Alden may babaeng niregaluhan ng bulaklak at binati ng ‘Happy Valentine’s Day’
IBINUKING ng tatay ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung sino ang babaeng binigyan nito ng bulaklak nitong nagdaang Valentine’s Day.
Ayon kay Richard Faulkerson, Sr., o mas kilala bilang si Daddy Bae, may isang babae ang kailanma’y hindi nalilimutan ni Alden sa tuwing may espesyal na okasyon kabilang na nga ang Araw ng mga Puso.
Alam naman ng lahat na hanggang ngayon ay single pa rin ang Pambansang Bae pero ang palaging sinasabi ng binata, sana raw very soon ay magkaroon na rin siya ng lovelife.
Ngunit kahit ano pa man ang mangyari may isang babae ang nananatiling espesyal sa kanyang puso — at yan ay walang iba kundi ang kanyang Lola Linda, ang nanay ng kanyang ina.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Daddy Bae ang ginawang panglalambing ni Alden sa kanyang lola.
Kahit busy sa trabaho ang binata ay nag-effort pa rin ito para maregaluhan ang kanyang lola ng bulaklak sa mismong Valentine’s Day with matching card pa.
Marami namang fans ang aktor ang nangakong magdarasal para raw sa susunod na Araw ng mga Puso ay meron na siyang girlfriend.
* * *
Kahit nasaan ka man, hindi ka na mahuhuli sa mga paboritong mong Kapuso shows dahil sa pinakabagong handog ng GMA Network para sa loyal fans nito – ang mobile digital TV receiver na GMA Now!
Asahan ang mas pinagandang viewing experience dala ng plug-and-play dongle na maaaring magamit ng sinumang may Android smartphone. Malinaw na mapapanood ang well-loved Kapuso channels na GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, at soon ay pati na rin DepEd TV, kasama ang iba pang free-to-air channels na available sa inyong lugar.
Simple lang ang kailangang gawin para ma-enjoy ang nakakaaliw nitong features. I-download lang ang libreng GMA Now app sa Google Play Store, mag-register, at ikabit ang dongle sa inyong smartphone.
May exclusive interactive features ito pag ikaw ay naka-connect sa internet! Gamit ang GMA Videos-On-Demand tab sa app, pupuwede ka nang maging updated sa bagong episodes ng tinututukang Kapuso shows anytime, anywhere! May bonus pang exclusive messaging service dito na tinatawag na Groupee Chat, kung saan makakabuo ang users ng sarili nilang mga group chat kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya habang nanonood ng mga programa sa GMA.
Bukod diyan, may mga premyo pang naghihintay sa mga sasagot ng special quizzes at polls sa GMA Now Interactive Promos.
Pangako ng GMA Now ambassador na si Alden Richards, tulad niya, ay paniguradong magugustuhan ng mga Kapuso ang latest digital TV product ng GMA, “Bilib ako sa portability and the convenience GMA Now offers. Kahit saan ako magpunta, as long as within the coverage area, I get to watch GMA shows.”
“May feature rin na pwede mong balikan ‘yung previous episodes through video-on-demand, so it will really keep you entertained while you’re on standby or commuting. Not only that, it also has features where you can chat and watch the shows along with your friends or even join exclusive promos and win prizes!” dagdag pa ni Alden.
Maaaring gamitin ang GMA Now sa kahit anong Android smartphone na may Android OS Marshmallow (Android 6.0) o pataas, Dual Core 1Ghz CPU, at USB OTG support. Sa susunod ay magiging available na rin ito para sa mga Kapuso na iPhone users.
“As the country’s leading broadcast network, it is only fitting that we continue to improve our content and innovate our digital TV products. This is our way of expressing gratitude to our loyal Kapuso for their unceasing support.
“We are proud to say that GMA Now is the first mobile DTT receiver to combine traditional TV with the advantages of interactivity via the internet.
“This product was developed by our digital media and technology arm GMA New Media, Inc. with the Filipino viewers in mind as we adapt to their evolving needs and interests,” pahayag ng GMA Network, Inc. Chairman and CEO na si Felipe Gozon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.