Pokwang sobrang bineybi si Lee: Dinedma ko mga red flag niya!

Pokwang sobrang bineybi si Lee: Dinedma ko mga red flag niya!

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 10:03 AM

Pokwang sobrang bineybi si Lee: Dinedma ko mga red flag niya!

Pokwang at Lee O’Brian

NAPAKARAMING red flag na nakita ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa dating live-in parter na si Lee O’Brian pero dinedma-dedma lang niya.

Isa raw iyan sa mga naging pagkakamali ng komedyana noong nagsasama pa sila ng ex partner kaya naman feeling niya ay naabuso talaga siya nang bonggang-bongga.

After two years, mula nang maghiwalay sila ni Lee, muling humarap si Pokey on national TV para ibahagi ang mga bagay na pinagsisisihan niya sa pinagdaanang relasyon.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang ‘red flag’ ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap

Sumalang si Pokwang bilang searcher sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” kahapon kasama ang panganay na anak na si Mae Subong.

Dito, hindi napigilan ni Pokwang na maging emosyonal lalo na nang alalahanin ang mga hindi magagandang nangyari sa kanila ni Lee bilang magkarelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Ang pinagsisihan ko lang siguro ay ‘yung sobrang ini-spoil ko siya. Sobrang, bineybi ko, e. Sayang hindi ko siya naturuan magpakaama. Isa rin siguro ‘yun may kasalanan din ako diyan, sobra ko siyang ini-spoil,” pag-amin ni Pokwang.

At sa 10 taon daw nilang pagsasama ng dating partner at ama ng kanyang anak na si Malia, siya raw palagi ang nagpapakumbaba kapag meron silang tampuhan at hindi pagkakaunawaan.

“Mas marami akong natatandaan na nanggagaling sa side ko. Pero galing sa side niya, Valentine’s, birthday ko, wala. Ako lagi, ako ang nagpaplano, kung saan kakain,” pahayag pa ng Kapuso star.

Patuloy pa niya, “Pero bago siya mapa-deport palagi siyang may kasama sa BGC dini-date niya. Ang akin lang, Vice (Ganda), di ba, kahit nga lang sa karinederya o lugawan kahit nga sa tusok-tusok maalala  ka lang, it’s the thought that counts ika nga.”

Baka Bet Mo: Luis, Jessy alam ang socmed password ng isa’t isa; salitan sa pagbabayad kapag nagde-date

“Magandang part lang, nabigay sa akin si Malia, thats the best. Siguro sa umpisa iyan kilig. Siguro may mga red flag na hindi ko (napansin). Si Malia lang talaga at saka, the rest puro tiis na ang ginawa ko,” dugtong niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)


Inamin din ni Pokey na totoong nagalit din siya sa sarili dahil hinayaan niyang abusuhin ni Lee ang kanyang kabutihan.

“Hindi na ako galit, naaano lang ako sa sarili ko, more on nagagalit ako sa sarili ko na bakit parang pinabayaan ko ‘yung ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit dinedma ko ‘yung red flag na ‘yun ang dami kong nakita, kung noon pa lang inayos ko na, sinabi ko na sa kanya, hindi na sana tumagal. Ang dami, e, sobrang dami kong nakitang red flag,” ang pahayag pa ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending