Anak ni Pokwang sobrang na-hurt sa mga ginawa ni Lee O'Brian

Anak ni Pokwang sobrang na-hurt sa mga ginawang sablay ni Lee O’Brian

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 08:32 AM

Anak ni Pokwang sobrang na-hurt sa mga ginawang sablay ni Lee O'Brian

Pokwang, Mae Subong at Malia

SOBRANG na-hurt ang anak ni Pokwang na si Mae Subong sa mga pinagdaanan ng komedyana nang makipaghiwalay ito sa dating partner na si Lee O’Brian.

Hindi man ipinakikita ni Mae ang kanyang nararamdaman, knows daw ni Pokwang na grabe ang naging epekto ng breakup nila ni Lee sa panganay na anak.

Baka Bet Mo: Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

“Tahimik lang kasi iyong anak ko. Sobrang ano lang iyong anak ko pero alam ko deep inside nasaktan yan for me,” pahayag ni Pokey sa panayam ng PUSH Bets.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Patuloy pa ng Kapuso TV host-comedian, “17 years kaming dalawa lang, eh. Then biglang may dumating then tinanggap niya naman ng bukas sa puso niya because nakita niya na masaya ako then nangyari ito. Kung may pinakanasaktan dito, siya iyon.”

Sabi pa raw ni Mae (anak ni Pokwang sa unang karelasyon) sa kanyang ina, matindi ang sakit na kanyang naramdaman sa mga nangyari dahil pinagkatiwalaan niya ang American actor na napalayas na sa Pilipinas pinabalik na sa US.

“Sabi niya nga sa akin, ‘You did your best para mabigyan ako ng magandang buhay and then this person biglang dumating na sinaktan ka lang ng ganoon.’

Baka Bet Mo: Pokwang sure na sure nang hindi makikipagbalikan kay Lee O’Brian: Bakit pa, hindi naman niya kami pinili!

“Sinabi niya iyon, ‘Pinagkatiwala kita sa kanya kasi nakita ko na masaya ka naman noong una… tapos ngayon kung may pinakanasaktan dito, Ma, ako iyon,’” aniya pa.

Sa tanong kung ano naman ang naging reaksyon ng bunsong anak na si Malia sa paghihiwalay nila ni Lee, inamin ni Pokwang na hindi pa niya  naipapaliwanag sa bata ang tunay na sitwasyon nila ng dating partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Sa ngayon, wala muna. Pinalaki kong matatalino iyong mga anak ko, alam nila iyan. At siguro kung mayroon dapat mag-explain dito, hindi siguro ako, siya (Lee). I did my part as a Mom, as a Dad,” aniya pa.

Halos anim na taon ding nagsama sina Pokwang at Lee bilang live-in partners. Naghiwalay sila noong 2021. Hindi naging maganda ang hiwalayan nila hanggang sa mag-file ng deportation case si Pokey laban kay Lee na pinaboran naman ng Bureau of Immigration.

Sa ngayon, nagsisimula uli si Pokwang sa kanyang buhay with a fresh start, “New house and new life. Masaya. Dumoble lalo yung saya na nararamdaman ko ngayon because siyempre nagbibigay ng happiness yung apo ko.”

Ito naman ang message ni Pokwang sa kanyang mga anak, “Gusto ko pagdating ng panahon (sabihin nila) ‘Ang Mama ko, ipinaglaban kami. Ang Mama ko, lumaban.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Ang Mama ko nagsalita para sa amin. Hindi lang para sa amin, para rin doon sa mga katulad niya sa pinagdadaanan niya, na ipinaglalaban niya, katulad niya na mga single mom na… akala niyo mahina dahil babae pero hindi,’” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending