Pokwang sa pagkaka-deport ni Lee: Peace of mind of both sides

Pokwang sa pagkaka-deport ni Lee O’Brian: Peace of mind of both sides

Therese Arceo - April 11, 2024 - 06:48 PM

Pokwang sa pagkaka-deport ni Lee O'Brian: Peace of mind of both sides

NAGLABAS ng kanyang pahayag ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang kaugnay ng pagkaka-deport ng kanyang dating partner at ama ng kanyang bunsong anak na si Lee O’Brian.

Ngayong araw, ibinahagi ng Bureau of Immigration ang balita na matagumpay nilang naipa-deport si Lee pabalik ng Amerika nutong Lunes, April 8.

Kaya naman waging-wagi si Pokwang dahil ito ang kanyang matagal nang kagustuhan na mapaalis ang dating karelasyon na illegal na nagtatrabaho sa bansa dahil sa kakulangan ng working permit nito mula sa Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration.

Sa exclusive interview ng Kapuso actress sa “Fast Talk With Boy Abunda” ngayong Huwebes, April 11, natanong siya tungkol sa sinapit ng dating karelasyon.

Pagbabahagi ni Pokwang, “Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon.

“Para makapag-provide kami nang mas maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito.”

Baka Bet Mo: Pokwang humirit ng child support kay Lee: Party-party at golf-golf lang?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Pokwang, paano ito makapagbibigay ng suporta sa kanilang anak kung hindi ito makakapag-work.

Peace of mind na rin ang hatid sa kanya ng pagbalik sa Amerika ni Lee dahil habang nasa Pilipinas ito ay maraming nakakarating sa kanya na hindi magaganda na nakaaapekto sa kanyang trabaho.

“Habang nandito siya, ang daming nakakarating sa akin na hindi maganda na may [mga] katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho,” sey ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Kawawa lang yung bata kasi hindi kami makapaghanapbuhay pareho. Bakit ba kami nagtatrabaho? Di para sa anak namin?”

Amin rin ni Pokwang, tibapos na niya ang kabanata ng kanyang buhay na may kinalaman kay Lee pero kahit na ganoon ay hindi niya ipagkakait rito na maging ama para sa kanilang anak na si Malia.

“Pero when it comes to karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya. Anuman ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.

“Kung gusto ni Malia na pumunta doon [sa Amerika], then go fine. Kung gusto niya [Lee] na dalawin siya ni Malia sa Amerika, okay, go. Ihahatid ko pa, basta ibabalik niya sa akin,” sabi pa ni Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nais rin niyang magkaroon pa rin ng maayos na future si Lee.

“At least for the peace of mind of both sides, makapagtrabaho siya nang maayos. Kasi nga dito, bawal siya magtrabaho, so paano ang buhay niya rito, di ba?” ani Pokwang.

Dagdag pa niya, “Sayang kasi may pinag-aralan naman siyang tao. Gamitin niya yung natapos niya. Gamitin niya doon, magtrabaho siya. Mag-ipon siya, hindi lang para kay Malia, para sa sarili rin niya. Kasi 49 na siya. Ayusin na niya ang buhay niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending