‘Becky & Badette’ nina Eugene, Pokwang ilalaban sa Italy sa Abril

‘Becky & Badette’ nina Eugene, Pokwang ilalaban sa Italy sa Abril

Pauline del Rosario - March 30, 2024 - 09:52 AM

‘Becky & Badette’ nina Eugene, Pokwang ilalaban sa Italy sa Abril

PHOTO: Courtesy Netflix Philippines

DADALHIN sa Italy ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 film entry na “Becky & Badette” na pinagbibidahan nina Eugene Domingo at Pokwang.

Ilalaban kasi ang comedy film sa Far East Film Festival (FEFF) na mangyayari ngayong Abril.

Ang exciting news, ibinandera mismo ng direktor ng pelikula na si Jun Robles Lana sa X (dating Twitter).

“This just in: BECKY & BADETTE will have its European Premiere at the Far East Film Festival in Udine, Italy!” caption niya kalakip ang screenshot ng naging headline ng Hollywood Reporter.

Wika pa ng direktor sa post, “Eugene and I are thrilled to present BECKY AND BADETTE in the competition section in Italy this April.”

Baka Bet Mo: Save the date: 7 MMFF 2023 movies na babandera sa Netflix

74 films mula sa 11 countries ang ipapalabas sa FEFF –kabilang na riyan ang 47 na pelikula na magco-compete at 28 na hindi kasali sa kompetisyon.

Ang 26th edition ng nasabing film fest ay mula April 24 hanggang May 2 sa Udine, Italy.

Para sa mga hindi pa nakakanood, ang “Beck & Badette” ay umiikot sa high school best friends na biglang sumikat matapos gumawa ng istorya tungkol sa kanilang batchmate na bully.

Kung matatandaan noong Nobyembre, inanunsyo ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” na ginagawa na ang sequel ng nasabing MMFF 2023 entry.

“This is serious. I have permission from the producers of Becky and Badette,” sey ni Tito Boy.

Ani pa niya, “Hindi pa po natin napapanood sa December 25, being part of the Metro Manila Film Festival, ginagawa na po ni Jun Lana ang sequel.”

Noong Disyembre nang magwagi ang comedy film ng “Best Original Song” at “Gender Sensitivity Award” sa MMFF Gabi ng Parangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang isang buwan nang maganap ang first-ever Manila International Film Festival (MIFF) sa Hollywood at nakuha diyan ng pelikula nina Pokwang at Eugene ang “Special Jury Prize.”

Maliban sa mga nabanggit, naiuwi din ng pelikula ang “Comedy Film of the Year” mula sa 2024 Platinum Stallion Media Awards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending