Eugene balak nang pumasok sa kumbento

Eugene balak nang pumasok sa kumbento, pero nakilala si Danilo Bottoni

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Eugene balak nang pumasok sa kumbento, pero nakilala si Danilo Bottoni

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 07:19 AM

Eugene balak nang pumasok sa kumbento, pero nakilala si Danilo Bottoni

Eugene Domingo at Danilo Bottoni

KNOWS n’yo ba kung saan nagkakilala at kung paano nagkainlaban si Eugene Domingo at ang kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni?

Nag-share ang veteran comedienne ng ilang kaganapan tungkol sa love story nila ni Danilo kung saan nabanggit nga niya kung paano ito nag-propose sa kanya.

Unang nagkrus ang kanilang landas sa  Udine Far East Film Festival sa Italy noong 2014 kung saan naging entry doon ang pelikula ni Uge na “Barber’s Tales”.

Nu’ng taong iyon, isa naman sa mga film critics na dumalo sa naturang film festival mula sa iba’t ibang panig ng mundo si Danilo.

Pag-amin ni Eugene, hindi na niya inasahang magkaka-lovelife pa sa edad niyang mahigit 40. Hanggang sa dumating nga sa buhay niya si Danilo.

Baka Bet Mo: Eugene Domingo, Dolly de Leon may bonggang collab sa 2025 na ipo-produce ni Harlene Bautista: ‘We want to do a play’

“At 45 sabi ko parang di na tayo kabataan, parang unti-unti ko nang naa-accept.

“Tsaka unti-unti na rin akong medyo napapagod nu’n. Nag-hit ‘yung ‘Kimmy Dora’, nagsunod-sunod na ako,” pahayag ni Uge sa interview ni Karen Davila na napapanood sa kanyang YouTube channel.

“So, naramdaman ko mga after 6 years, 7 years, na parang tumodo naman ako. In a year 6 movies alam mo ‘yun, na gusto ko kasi siyempre lahat ng opportunities take advantage mo ‘yun para makaipon ka and then ang sarap ng feeling nu’n,” paliwanag pa ng beteranang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)


Pagpapatuloy niya, “Pero aabot ka talaga sa pagod ka. Kasi ang paggawa ng pelikula hindi lang naman sa pag-arte, pagkatapos nu’n ipo-promote niyo pa.

“Pagkatapos kapag may festivals lalabas ka rin. Lahat ‘yun gusto ko pero isang araw na-realized ko masarap, komportable pero bakit medyo kulang?” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Pokwang sinunod ang payo ni Uge na ipahiram na si Malia kay Lee O’Brian

Hanggang isang araw ay na-realize niya na hindi na siya bumabata at parang ayaw niyang tumandang mag-isa.

“I don’t want to be alone. Ayaw kong mag-isa. I am very domesticated, I realized.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)


“I can be alone at some point pero mas masaya for me when I’m together with a partner that I can feel that I feel a connection with,” sey pa ni Uge.

Kasunod nito, habang natatanggap na niya na posibleng tumanda nga siyang dalaga at baka pumasok na lang siya sa kumbento, na-meet niya si Danilo sa Italy and the rest is history.

Paglalarawan naman ni Danilo sa love story nila ni Uge, isa itong long-distance dating sa pamamagitan ng Skype.

“It was a slow process because we started talking every week on Skype for two to three hours I think and then we met again in Italy just the two of us in a very nice place in the place where my mother lives,” ani Danilo.

Ni-reveal din ng film critic na mag-propose siya kay Eugene via Skype.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Uge, “Finding him is really a miracle and the miracle is from God.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending