Love story nina Vina at Andrew parang eksena sa serye

Love story nina Vina at Andrew parang eksena sa serye: Bumalik yung spark!

Ervin Santiago |December 11,2023
facebook
share this

Love story nina Vina at Andrew parang eksena sa serye: Bumalik yung spark!

Ervin Santiago - December 11, 2023 - 07:05 AM

Love story nina Vina at Andrew parang eksena sa serye: Bumalik yung spark!

Andrew Kovalcin at Vina Morales

PARANG kuwento sa pelikula at teleserye ang love story ni Vina Morales at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Masaya at makulay ang lovelife ngayon ng Kapamilya actress-singer at siya na mismo ang nagsabi na hindi niya in-expect na mami-meet niya uli ang lalaking naging bahagi na ng kanyang buhay ilang taon na ang nakararaan.

“You know he is very supportive for what’s happening in my life. Ever since nu’ng 22 years ago, nandodoon na siya, he’s been supporting me,” simulang kuwento ni Vina sa panayam ng “Magandang Buhay”.

“Nagkaroon lang ng gap years na we didn’t really communicate. We didn’t see each other for so many years. Wala pa akong anak.

“When we reunited last year nu’ng nag-concert ulit ako, doon na bumalik ‘yung spark. Nakakatuwa lang isipin na may ganu’n pala, ‘yun ang istorya ko with him,” pag-amin pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Vina Morales nakilala ang dine-date na si Andrew Kovalcin 23 years ago sa Hawaii; mala-Richard Gere at Julia Roberts sa ‘Pretty Woman’ ang peg

Matagal nang nagde-date sina Vina at Andrew pero last month lang niya kinumpirm ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram.

Rebelasyon pa ni Vina, matagal na niyang ipinagdarasal na sana’y matagpuan na niya ang lalaking nakatadhana para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)


“Actually I’ve been praying for years. I always pray for a good husband. You know it doesn’t have to be the person that I am with now but I’ve been praying for that for so many years, natagalan lang.

Baka Bet Mo: Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

“Sabi ko, ang tagal naman ni Lord magbigay. Pini-prepare. Maybe also I wasn’t the best for that person kaya siguro it took awhile.

“Kaya hindi ko pa rin alam. You know I’m work in progress. So hindi ko pa rin alam kung talagang ‘yon ang makakatuluyan ko. We will never know, only God knows,” pagbabahagi pa ni Vina.

Sa isang hiwalay na interview, natanong si Vina kung nakikita na ba niya ang sarili na nagpapakasal kay Andrew, “Wala. Oo wag natin pangunahan. Baka mamaya mabasa niya ‘to sabihin niya hay ano ‘to? Baka pressure sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka siguro one at a time. I really don’t know kasi kung where this take us. Parang nagreunite kami. Sino ba naman mag-aakala na di ba, after 21 years magkaroon kami ng relationship and now that I have Ceana in my life,” sabi pa ni Vina Morales.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending