Uge frustrated singer, dream come true ang role sa ‘Becky and Badette’
TINUPAD ng The IdeFirst Company nina Jun Robles Lana at Perci Intalan ang matagal nang pangarap ni Eugene Domingo.
Para kay Uge, dream come true ang role na binigyang-buhay niya sa “Becky And Badette” na isa sa 10 official entry sa ginaganap ngayong Metro Manila Film Festival 2023.
Kasama ni Eugene sa movie na idinirek ni Jun Lana ang BFF niya sa tunay na buhay na si Pokwang.
Ang role niya sa movie ay si Becky na nangangarap maging composer at singer kaya naman nang ialok sa kanya ang proyekto ay hindi na siya nag-inarte pa.
Ibinahagi ng komedyana sa kanyang Instagram account na hindi pa siya artista ay talagang sumasali na siya noon sa mga Glee club sa school pati na rin sa mga singing contest.
“As I love to sing and I love musicals, to be able to play a singer is a dream come true!” ang caption ng veteran comedienne sa kanyang IG photo.
Baka Bet Mo: Jun Lana, Perci Intalan hiwalay na: We request for privacy as we navigate this transition
Si Uge rin ang kumanta ng theme song ng “Becky And Badette” na “Finggah Lickin'” na siyang nagwaging Best Original Theme Song sa naganap na MMFF 2023 Gabi ng Parangal.
View this post on Instagram
“To be able to interpret an important, catchy, and clever song such as ‘Finggah lickin’ and to be able to play the role of a singer as I am a frustrated one is a BLAST,” ang sabi pa ng TV host-actress sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Perci Intalan naniniwala sa bagsik ng ‘karma’: Living proof din ako ro’n
“You cannot imagine and will never understand if you are someone who never had a dream and desire in your life,” aniya pa.
Tawanan at palakpakan naman ang audience nang tanggapin ni Eugene ang Best Original Theme Song award sa MMFF 2023 para sa “Finggah Lickin'” na kinanta pa nga niya sa harap ng audience.
Aniya, medyo sanay na raw siyang makatanggap ng award o ma-nominate sa mga acting category, “But never sa Best Song.”
Ang naturang kanya ay mula sa composition nina Teresa Barrozo at Erica Estacio, kasama sina Jun Robles Lana, at Elmer Gatchalian.
Sa isa pa niyang Instagram post, nabanggit ni Eugene na, “You cannot imagine how overwhelming to be up onstage receiving the award for Best Theme Song for Finggah Lickin’! Our producer, Perci Intalan asked me to go up the stage and accept it. Much to my surprise and delight!!”
Sa huli, nagpasalamat si Uge kay Direk Jun Lan, “Regalo ka sa amin, sa akin. Once again, you presented an important film that speaks directly to the heart. So true are all your lines and sentiments that people go out of the cinema still laughing but now empowered.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.