Perci Intalan naniniwala sa bagsik ng ‘karma’: Living proof din ako ro’n
KAMAKAILAN ay nagkaroon ng gusot ang kilalang social media influencers sa pangunguna ni Zeinab Harake at businessman turned vlogger na si Wilbert Tolentino dahil ang personal na usapan nila ay ibinahagi sa publiko ng huli sa pamamagitan ng screenshots.
Kaya ang ending maraming nagalit kay Zeinab dahil nabuking na nagsasalita siya ng hindi maganda sa kapwa influencers na itinuring siyang kaibigan.
Kalaunan ay humingi naman na siya ng sorry sa lahat at nangakong hindi na ulit ito mangyayari at tinanggap naman ng iba ang kanyang pagpapakumbaba.
Kaya namin ito nabanggit ay dahil related ang kuwento ng pelikulang “Livescream” na involve sa sikat na influencer na si Exon a ginagampanan ni Elijah Canlas na handog ng IdeaFirst Company at Viva Films na mapapanood sa Vivamax Plus sa Nobyembre 9, Miyerkoles mula sa direksyon ni Perci M. Intalan.
Sa ginanap na private screening/mediacon ng Livescream ay natanong si direk Perci kung inspired ba ang pelikula sa nakaraang gusot ng mga influencers.
“Ginawa namin ‘tong movie last February pa (2022) tapos ngayong ipalalabas na (Nov 9) sumabay itong isyu,” say ni PMI (tawag namin kay direk Perci).
At dahil tungkol ito sa buhay influncer ay may nakausap baa ng direktor na kilalang influencers para magkaroon ng ideya.
“Kami ni Dom (Dominic Lim- writer) mostly ang nag-uusap. Ang kinula lang namin sa insight na ideas online sa ibang influencers na merong personality ka talagang inilalabas, it’s not different from acting on camera even presenting. Ibang tao talaga mahiyain.
“Sa influencers may ganu’n din, sa vloggers may ganu’n din. So, what if it goes too far, what if nag-ugat sa isang domestic issue pero lumala kasi na-involve lahat ng iba?
“Actually, kausap namin mga reactors kasi ‘yung ibang nakita n’yo (sa movie) totoong reactors. They helped us naman noong tinawagan ko sila to be part of my film na wala silang idea kung tungkol saan ‘yung film. I think it’s timely kasi nakaka-relate tayo in a way at hindi ko naman inakala na may isyung lalabas (gulo nina Zeinab at Wilbert) na malaki,” paliwanag ni direk Perci.
Samantala, sa “Livescream” ay manggagamit ang karakter ni Elijah at mahilig mag-prank kaya malaki ang views nito at followers na iginagagalit ng kapwa niya influencers dahil ‘nandadaya’ ang katoto nila.
Dahil dito ay may isang kapwa influencer na gumanti kay Elijah as Exo at talagang pinahirapan siya nito na dumating sa puntong kamuntikan niyang ikamatay pati ang mahal niyang lola.
Bilang direktor ay naniniwala si PMI sa karma tulad ng kuwento ng Livescream.
Aniya, “Naniniwala ako sa karma at living proof din ako ro’n. I’ve been in this industry for a long time and hindi naman talaga ako immune at may mga dumaan sa career ko that really felt betrayed o may ginawa sa akin, ang hirap!
“I think kailangan mo talaga ng age para talaga makapagpigil from trying to take revenge, pero ‘yun nga I proved it, I’ve seen it happened na wala akong kailangang gawin kundi mag-move on tapos paglingon ko, ‘ay hindi okay ang lagay niya.’
View this post on Instagram
“And not that I wish anybody ill pero kailangan you reap what you sow, so kung meron kang ginawan ng ganito, eventually babalik sa ‘yo, so nakikita ko bumabalik kaya I think I feel blessed na natutunan ko ‘yan bago may bumalik sa akin.”
Kaya lesson learned, huwag gagawa ng hindi maganda sa kapwa para hindi bumalik sa ‘yo.
Related Chika:
Jun Lana, Perci Intalan hiwalay na: We request for privacy as we navigate this transition
Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng ‘Livescream’
EXCLUSIVE: Perci Intalan umamin na sa tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jun Lana
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.