Pokwang humirit ng child support kay Lee: Party-party lang?

Pokwang humirit ng child support kay Lee: Party-party at golf-golf lang?

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Pokwang humirit ng child support kay Lee: Party-party at golf-golf lang?

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 07:10 AM

Pokwang humirit ng child support kay Lee: Party-party at golf-golf lang?

Lee O’Brian at Pokwang

NAWINDANG ang TV host-comedienne na si Pokwang sa mga nakakalokang hirit ng kanyang bunsong anak na si Malia.

Ibinahagi ni Pokey ang isang video sa kanyang Instagram Story kung saan mapapanood ang nakakatuwang conversation nila ng 6-year-old na anak.

Sa simulang bahagi ng IG reel ng komedyana ay binati muna siya ni Malia ng pagkalambing-lambing sabay sabing, “Mama, I love you.”

Na-touch naman siyempre si Pokwang at sinabihan din ang anak ng, “I love you, too.”

Baka Bet Mo: Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita

Pero sa sumunod na dialogue ni Malia ay talagang na-shock ang Kapuso star. Sey ng bagets, “And I don’t want you to get a boyfriend.”

Sinagot ni Pokwang ang anak ng, “Huh! Why?” Dedma lang ang bata kaya inulin ng TV host ang tanong, “Why? Why?”

Sagot ni Malia sa kanyang nanay, “Because I saw it from my iPad, mom.” Natatawang chika ni Pokey, “Ano daw. Chururut bumblebee ka?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“No! You’re the one who’s being chururut bumblebee,” ang hirit ni Malia kay Pokey.

Mababasa naman sa inilagay na caption ng Kapuso comedienne sa kanyang IG post, “Ayaw nya ako mag-boyfriend!!! Kasi nga yung ama kung siney siney na chaka ang ka-join hahahah.

Baka Bet Mo: Pokwang super excited sa bonggang regalo nina Dingdong, Marian para kay Malia

“Don’t worry nak, ikaw at si ate lang ang priority ko. Pangako yan,” sey pa niya.

Samantala, isa pang video ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram page kung saan tinatalakay naman ang tungkok sa isyu ng child support.

Tinag pa niya ang kanyang ex-partner at tatay ni Malia na si Lee O’Brian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hoy @leeobrian party party at golf-golf lang? Gurl pakisabi diyan sa ex ko na new problem mo baka gusto niya magbigay ng support! ‘Di ‘yung panay lang landian n’yo!” matapang na sabi ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending