Joyce Pring isinilang na ang 2nd baby, may nakakalokang hirit kay Juancho Trivino: 'Hirap na hirap yarn?' | Bandera

Joyce Pring isinilang na ang 2nd baby, may nakakalokang hirit kay Juancho Trivino: ‘Hirap na hirap yarn?’

Ervin Santiago |April 23,2023
facebook
share this

Joyce Pring isinilang na ang 2nd baby, may nakakalokang hirit kay Juancho Trivino: ‘Hirap na hirap yarn?’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 03:24 PM

Joyce Pring isinilang na ang 2nd baby, may nakakalokang hirit kay Juancho Trivino: 'Hirap na hirap yarn?'

Joyce Pring at Juancho Trivino

NANGANAK na ang Kapuso TV host na si Joyce Pring sa ikalawang anak nila ng asawang si Juancho Trivino.

Ibinahagi ni Joyce sa kanyang Instagram Reel ngayong araw ang isang short video na kuha sa kanilang hospital room. Sa simulang bahagi ng video ay makikita ang bagong panganak na celebrity mom.

Mababasa sa text na inilagay niya sa kanyang post ang paglalarawan niya sa kanyang panganganak, “Intense, fast and furious three-hour labor without an epidural.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Our little girl finally made her appearance Earth-side, and we are so grateful to God, from Whom all blessings flow,” ang sabi pa ni Joyce.

Nangako naman ang TV host na gagawa sila ni Juancho ng “proper birth announcement soon” at kaya siya nag-post sa social media tungkol sa kanyang pangangak at para ipaalam sa kanilang mga supporters na maayos naman ang kalagayan niya at ng kanilang baby girl.

Baka Bet Mo: Juancho, Joyce handang-handa nang maging mommy ay daddy; Bong feeling baguhan sa pag-arte

Sa huling bahagi ng IG Reel ni Joyce, ipinakita naman niya si Juancho na nakahiga sa sofa na parang pagod na pagod. Sa itsura ng Kapuso actor ay parang siya ang nanganak.

“And that, yes, her Dada’s okay and has been attended to after his exhausting experience of *watching* birth (laughing emoji),” ang pang-aasar pa ni Joyce kay

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)


Hirit pa niya sa kanyang mister, “Hirap na hirap yarn?”

Bumuhos naman ang pagbati para sa Kapuso couple mula sa kanilang mga social media followers kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz tulad nina Megan Young, Camille Prats, Diane Medina, Sheena Halili, Macoy Dubs, Andi Manzano at marami pang iba.

Ikinasal sina Joyce at Juancho noong February, 2020 at makalipas lamang ang isang taon ay biniyayaan na agad sila ng anak, si Alfonso Eliam.

Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juancho kay Joyce: Crush na crush pa rin kita, I will always open the door and wash the dishes for you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending