Juancho Trivino feeling sentimental sa pagiging tatay: 'Lagi kang excited umuwi, nakakawala ng pagod' | Bandera

Juancho Trivino feeling sentimental sa pagiging tatay: ‘Lagi kang excited umuwi, nakakawala ng pagod’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Juancho Trivino feeling sentimental sa pagiging tatay: ‘Lagi kang excited umuwi, nakakawala ng pagod’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:13 AM

Juancho Trivino feeling sentimental sa pagiging tatay: 'Lagi kang excited umuwi, nakakawala ng pagod'

Juancho Trivino, Joyce Pring at Eliam

FEELING sentimental ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa mga bagong realizations niya bilang tatay sa panganay nilang anak ni Joyce Pring.

More than one year na ang unang baby nina Juancho at Joyce na si Eliam at abangers na rin sila sa pagdating ng ikalawa nilang anak very, very soon.

At kahit na nga lumalaki na si Baby Eliam at magkakaroon na ito ng kapatid at hindi pa rin mapigilan ni Juancho ang maging emosyonal sa tuwing umuuwi siya sa kanilang bahay mula sa pagtatrabaho.

Nagbahagi si Juancho ng litrato nila ng anak sa Instagram kalakip ang madamdaming caption na naglalarawan sa sobrang kaligayahan na nararamdaman niya bilang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)


“Kahit na hindi ko maintindihan yung ‘lagi kang excited umuwi’ at ‘nakakawala ng pagod,’ ibang iba na ngayon, yan na din ang sinasabi ko,” simulang mensahe ni Juancho sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Dugtong pa ng aktor na huling napanood sa hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra”, “Ang saya sa feeling pag umuuwi ka may bago na naman siyang ginagawa or sinasabi, ang saya sa feeling marinig yung ‘Hi Dada!’ At yayakapin ka pag naka uwi ka na.”

Hiling din ni Juancho na ma-experience din ng ibang ama ang nararamdaman niya ngayon sa tuwing nagba-bonding silang magtatay pagkatapos ng kanyang pagtatrabaho.

“At sana ang iba ding mga tatay, dahil mabilis lang ang panahon, iba na ang trip nila kaagad,” aniya pa.

Sa huli, inilarawan pa niya ang pagiging tataya at padre de pamilya na, “Best feeling in the world.”

Matatandaang sa isang episode ng podcast ng Kapuso actor na “One on Juancho”, ibinandera ni Joyce ang sobrang pasasalamat niya sa pagiging hands-on tatay ng asawa kay Eliam.

“I want to honor you for being so present in Eliam’s life and for always making sure that you spend time with him, I see you become more patient with him, and talagang you go out of your way to be there for him,” pahayag ni Joyce.

Andi nagiging sentimental sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ni Ellie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending