Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal | Bandera

Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Ervin Santiago |April 19,2021
facebook
share this

Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Ervin Santiago - April 19, 2021 - 11:04 AM

“BINANTAAN” pala ni Joyce Pring ang asawang si Juancho Trivino noong nanliligaw pa lang ito sa kanya.

Sinabihan kasi ng Kapuso TV host sa aktor na huwag nang ituloy ang panliligaw sa kanya kung wala itong balak na pakasalan siya sakaling sagutin niya ito.

Naikuwento ng Kapuso couple sa  “Tunay Na Buhay,” kung paano nag-start ang kanilang love story bilang segment host ng Kapuso morning show na “Unang Hirit.”

Sey ng pregnant mom, diniretso niya talaga si Juancho noong nanliligaw pa lang ito sa kanya tungkol sa usapin ng pagpapakasal.

“Before we started dating, I told Juancho na ‘Huwag mo na ako ligawan kasi kapag nanligaw ka, gusto ko ‘yung magpakasal after two or three years kasi ‘yun na ‘yung plano ko sa life.

“So kung manliligaw ka tapos for fun lang na dating, you don’t see yourself getting married, huwag na lang kasi sayang ‘yung oras ko, sayang din ‘yung oras mo,'” pagpapakatotoo ni Joyce.

Pinatunayan naman ng aktor kay Joyce na seryoso siya sa kanyang intensyon at nasaksihan din yan ng buong mundo dahil ipinakikita rin sa “Unang Hirit” ang bawat milestones sa kanilang pagmamahalan.

Kuwento ni Juancho, “‘Yung personality namin ni Joyce, parehas kaming go with the flow. Nagulat ako noong nagba-banter kami, that very first episode na naghihirit ako, sumasagot din siya.

“So kahit after noon, I feel na, if you’re going to ask me kung ano ang nangyari, paano tayo nagka-develop-an, nagkaroon kaming dalawa ng sariling understanding,” sey pa ng Kapuso star.

Noong Feb. 9, 2020 naganap ang garden wedding nina Joyce at Juancho at anytime now ay isisilang na rin ang una nilang baby.

Sa nakaraang episode ng “Unang Hirit”, nagbigay din ng update ang celebrity couple tungkol sa kanilang pagsasama at sa paghahanda nila bilang parents.

“Thank God hindi siya mahirap na pregnancy. As in I’m still very active. ‘Yung mahirap lang na part is the first trimester,” chika pa ni Joyce na naka-maternity leave na ngayon.

Nagpasalamat din ang TV host kay Juancho dahil talagang hands on ito sa pag-aalaga sa kanya, lalo na pagdating sa mga request niya noong naglilihi siya.

Hinding-hindi raw malilimutan ni Joyce ang ginawang effort ni Juancho nang galugarin nito ang tatlong palengke para lang maghanap ng green mango nang minsan siyang mag-crave nito.

Nagbigay naman ng ilang suggestion ang mga kasamahan nila sa Kapuso morning show para sa magiging pangalan ng kanilang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mapili kaya sina Juancho at Joyce sa “Ethan Juan,” “Juan Emmanuel,” at “Chojoy”?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending