Pokwang excited sa bonggang regalo ng DongYan para kay Malia

Pokwang super excited sa bonggang regalo nina Dingdong, Marian para kay Malia

Pauline del Rosario |January 20,2024
facebook
share this

Pokwang super excited sa bonggang regalo nina Dingdong, Marian para kay Malia

Pauline del Rosario - January 20, 2024 - 04:18 PM

Pokwang super excited sa bonggang regalo nina Dingdong, Marian para kay Malia

Pokwang and Malia, Marian rivera and Dingdong Dantes

RAMDAM na ramdam ang pagkasabik at pagkatuwa ng comedienne-actress na si Pokwang sa ibinigay na bonggang regalo ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes para sa kanyang anak na si Malia.

Kamakailan lang kasi, nagdiriwang ng birthday ang 5-year-old daughter ng komedyana.

Sa Instagram, ibinandera ni Pokwang ang isang video na makikita ang higanteng regalo ng celebrity couple na nakabalot pa.

Mapapanood din na kilig na kilig ang komedyana at sabay sabing, “Ay! Nako! Matutuwa ka Malia!” 

Ipinakita rin ni Pokwang ang video ni Malia na lubos na pinasasalamatan ang Dantes family, pati na rin ang pag-unboxing nito sa regalo.

“Thank you so much! I love this gift,” sey ng tsikiting.

Baka Bet Mo: Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Tila na-shookt pa si Malia dahil ang ibinigay sa kanya ay isang kitchen set na laruan.

“Oh my gosh! It’s a kitchen set!” sambit ng anak ni Pokwang.

Sa caption ng post, walang sawang nagpasalamat si Pokwang sa pamilya nina Marian at Dingdong dahil tuwang-tuwa ang kanyang anak sa natanggap na regalo.

Lahad sa IG, “Thank you so much @marianrivera, papa @dongdantes, ate Zia and guapong guapong Zixto [folded hands emoji]  sobrang happy si birthday girl sa gift [kiss, red heart emojis] thank you….”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Si Malia ay anak ni Pokwang sa estranged partner na si Lee O’Brian.

Kung matatandaan noong December 23, pinaningan ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na mapa-deport ang dating partner.

Base sa walong pahinang resolusyon na inilabas noong December 12, inuutusan ng BI na mapa-deport si Lee dahil sa naging paglabag nito sa mga alituntunin at kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.

Ayon sa complaint na inihain ni Pokwang, ang nire-renew ni Lee ay ang kanyang tourist visa kahit na ang dahilan ng pananatili niya sa bansa ay ang pagtatrabaho.

At matapos ngang mailabas ang nasabing desisyon sa publiko ay nangako si Pokwang na siya’y magiging mabuting ina at ama kay Malia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2021 nang ibinalita ni Pokwang na nakipaghiwalay na siya kay Lee.

Ilan sa mga rason kaya niya ito hiniwalayan at pinalayas sa kanyang bahay ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending