Pokwang sa 2 anak: Lahat kayang gawin ni Mama para sa inyo

Promise ni Pokwang sa 2 anak: Walang hindi kayang gawin si Mama para sa inyo

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Promise ni Pokwang sa 2 anak: Walang hindi kayang gawin si Mama para sa inyo

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 02:56 PM

Promise ni Pokwang sa 2 anak: Walang hindi kayang gawin si Mama para sa inyo

Pokwang at Malia

MULING ibinandera ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang ang abot-langit na pagmamahal para sa anak na si Malia.

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Pokey sa kanyang social media followers para sa birthday ng anak nila ng dating partner na si Lee O’Brian.

Ngayong araw, January 18, ipinagdiriwang ni Malia ang kanyang 6th birthday at sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ipinost ni  Pokwang ang ilang throwback photos noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Malia hanggang sa maipanganak ito.

Ang nakalagay na caption, “Happy, happy birthday my little Tisay (heart emoji) mahal na mahal kita…. walang hindi kayang gawin si mama para sa inyo ni ate.”

Baka Bet Mo: Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Ang “ate” na tinutukoy ni Pokwang ay ang panganay niyang anak na si Mae Subong.

Pagpapatuloy pa niya, “Lahat ng dapat suungin susuungin ko, lahat ng dapat iluha at dapat iinda sasaluhin ko maging maayos at komportable lang ang dadaanan mo sa buhay patungo sa mga pangarap nyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Naway lumaki kang matatag na tao, mabuting tao at higit sa lahat may takot sa Dios,” mensahe pa ni Pokwang sa anak.

Sa huli nangako naman ang komedyana kay Malia, “Nandito lang si mama go go go anak paglaki mo saan kaman magtungo saan kaman dalhin ng pangarap mo, isang lingon mo lang nandon ako lagi nak nakaalalay sayo.

“#HappyBirthdayMalia I Love you,” pagtatapos ni Pokey.

Baka Bet Mo: Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Samantala, binati rin si Malia ng kanyang amang si Lee sa Instagram page nito.

“Happy birthday, sweet Malia my love @malia_obrian !! Wishing you the very best in life and so many more blessings and happiness. I love you so much!

“Six years ago today was the best moment of my life and I have been so proud of you every moment since then. Enjoy your day to the fullest because you deserve the absolute best!!

“Love you, sweetheart!! And Nana, Grandpa and Tita love you too!! #MyBlessing #DaddysGirl,” ang caption ng American actor sa kanyang IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hindi namin sure kung nasa Pilipinas pa rin si Lee o nakaalis na ng bansa matapos ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation nito base sa isinampang reklamo ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending