Sandara Park ready makipag-‘shot puno’ kay Pokwang
INAYA ng Korean superstar at final five questors ng “Star Circle Quest” 1 na si Sandara Park ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang na makipag-“shot puno” pagbalik nito ng Pilipinas.
Nangyari ang ayaan nang binati ni Pokwang ang dalaga para sa oabgang bagong TV commercial nito ng kilalang inuming nakalalasing.
“Congratulations to my baby Krung @krungy21 sa new TVC. Light na na Light sa Life dusurv. miss you nak,” pag-congratulate ni Mamang Pokie kay Sandara.
Nag-reply naman ang dating miyembro ng Korean girl group na 2NE1 sa tweet ni Pokwang.
“Thank you Mommy Poky. miss you!!!!! Shot puno tayo when I go back to Manila~!!!” saad ni Sandara.
Pumayag naman si Pokwang sa paanyaya ng isa sa mga anak-anakan sa showbiz.
Baka Bet Mo: Sandara Park ‘burnout’ na rin daw pero: I’m not giving up for my fans
View this post on Instagram
Bukod pa rito, bet rin ni Pokie na makilala ni Sandara ang bunso niyang anak na si Malia.
“Yes nak lez go….. gusto ko ma meet mo new baby sister mo si Malia hahahaaha i love you see you nak,” sey ni Pokwang.
Sa hiwalay naman na post ay hinangaan ni Pokwang ang pagiging humble ni Sandara dahil hindi ito nakakalimot sa mga taong nakasama at nakatrabaho.
“Hindi nakakalimot my very humble baby Krung. i love you,” sabi ni Pokwang.
Matatandaang nagkasama noon sina Sandara at Pokwang sa pelikulang “D’ Lucky Ones” together with Joseph Bitangcol at Eugene Domingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.