Dara maraming pasabog sa 2024, may reunion kaya uli ang 2NE1?

Sandara Park maraming pasabog sa 2024, mag-reunion kaya uli ang 2NE1?

Ervin Santiago |January 02,2024
facebook
share this

Sandara Park maraming pasabog sa 2024, mag-reunion kaya uli ang 2NE1?

Ervin Santiago - January 02, 2024 - 08:20 AM

Sandara Park maraming pasabog sa 2024, mag-reunion kaya uli ang 2NE1?

Sandara Park

MARAMING aabangang pasabog at pasorpresa sa South Korean idol at Pambansang Krung Krung na si Sandara Park.

In fairness, naging remarkable at super productive ang 2023 ng Korean actress-singer na may Pusong Pinoy dahil sa dami ng naging projects at achievements niya.

Mula sa release ng kanyang self-titled EP hanggang sa sunud-sunod na successful music and guest appearances sa iba’t ibang bansa, the past year has been nothing short of thrilling for this multi-talented artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


At sa pagpasok ng Bagong Taon, mas intense at mas pasabog pa ang mga inihahandang projects and other exciting ventures ni Sandara.

Baka Bet Mo: Sandara Park binisita ang ‘It’s Showtime’ after 6 years, biro pa niya: ‘Bakit wala ‘yung picture ko sa ABS-CBN hallway?’

Una na nga riyan ang nakatakdang ganaping 33rd Seoul Music Awards sa Bangkok kung saan isa nga si Dara sa mga naka-line up na performers kasama ang over 200 pang artists.

Ilan pa sa mga confirmed performers ay ang GOT7 members na sina Youngjae at BamBam, Tiffany Young, NCT Dream, Kang Daniel, at marami pang iba.

Kung matatandaan, kamakailan lang ay ni-launch ang comeback album ni Sandara na nagsilbi ring first solo album niya in 14 years.

Ang nasabing self-titled EP features the single Festival, na sample ng Uhm Jung-hwa’s 1999 song of the same name.

Nang tanungin tungkol sa kanyang susunod na album, plano ni Dara na ipakita ang more mature and edgier concept on stage, hinting at a potential evolution in her musical style.

At tungkol naman sa comeback ng dati niyang grupong 2NE1 matapos ang kanilang surprise reunion performance sa Coachella 2022, sinabi ni Sandara na posible rin itong mangyari next year.

Habang may kailangang daanang pagsubok, ang ongoing discussions nina Sandara, CL, Minzy, and Bom, buhay pa rin ang pangarap nila na muling mabuo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


Samantala, nakatakda ring ikasal  ngayong 2024 ang kapatid niyang former MBLAQ member na si Thunder da dating Gugudan member namang si Mimi.

Baka Bet Mo: Sandara Park ‘super excited’ sa solo album, mala-tropical vibes ang peg

Although wala pang petsa, last Nov. 1, nagbigay na ng sneak peek si Sandara nung mag-share siya photo na suot ang elegant aqua-colored floor-length gown na may caption na “Bridesmaid.”

Sa ngayon, abangers pa rin ang kanyang Pinoy fans kung may possibility na makagawa uli siya ng acting project dito sa Pilipinas?

Promise ng mga supporters niya sa bansa, talagang panonoorin nila ang gagawin niyang proyekto rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilan pa nga kaming nabasa na sana raw maging leading man niya sina Alden Richards at Daniel Padilla. Or pwede rin daw isang reunion project with his former loveteam Hero Angeles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending