Sandara Park binisita ang ‘It’s Showtime’ after 6 years

Sandara Park binisita ang ‘It’s Showtime’ after 6 years, biro pa niya: ‘Bakit wala ‘yung picture ko sa ABS-CBN hallway?’

Pauline del Rosario - September 24, 2023 - 03:37 PM

Sandara Park binisita ang ‘It’s Showtime’ after 6 years, biro pa niya: ‘Bakit wala ‘yung picture ko sa ABS-CBN hallway?’

PHOTO: Instagram/@daraxxi

MARAMI ang napatawa ng tinaguriang “Pambansang Krung Krung” na si Sandara Park matapos siyang maging guest sa “It’s Showtime.”

Noong September 23 nang muli niyang binisita ang noontime show ng ABS-CBN kung saan pinerform niya ang kanyang single na “Festival,” pati na rin ang “I Am the Best” ng dating K-Pop girl group na 2ne1.

“What’s up, Madlang People! Si Sandara ‘to. Namiss ko kayo!” pagbati niya sa mga audience.

Kwento pa niya, “Alam niyo, sabi ng mga fans ko, last visit ko raw sa ‘Showtime’ ay six years ago.” 

“Hindi kasi ako nakapunta dahil sa COVID so I was really waiting for this moment na babalik ako sa ‘Showtime,’” paliwanag niya.

Inalala rin ni Sandara ang kanyang pinagmulan sa ABS-CBN matapos siyang tanungin ng TV host na si Anne Curtis kung ano ang pakiramdam niya na tinatawag pa rin siyang “Pambansang Krung-krung ng Pilipinas.”

“Kaya mahal na mahal ko ang Pilipinas e. At dito ako nanggaling, lalo na sa ABS-CBN,” sey ni Sandara.

Baka Bet Mo: Sandara Park naki-join sa mundo ng TikTok, trending ang first dance video: ‘Ayan na si Madam!’

Kasunod niyan ay dito na niya binanat ang kanyang biro, “Pero nagtataka ako, bakit wala ‘yung picture ko sa wall sa labas?” 

“Pakilagay niyo po ‘yung picture ko,” sambit pa niya.

Dahil diyan, biglang nagtawanan ang mga host at manonood habang ipinagpapaliwanag ni Kim Chiu ang isang staff na magbigay ng paliwanag sa K-Pop star.

Anyway, nagpunta nga si Sandara sa “Showtime” upang i-promote ang kanyang first solo album in 20 years.

Matatandaang unang sumikat si Sandara dito sa Pilipinas matapos sumali at manalo sa talent show na “Star Circle Quest” noong 2004.

Nagkaroon pa nga siya ng hit song na “In or Out” at bumida sa ilang pelikula hanggang noong 2007.

Taong 2009 nang mag-debut naman siya sa South Korea bilang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na 2NE1.

Ilan sa mga sikat na kanta ng kanyang grupo ay ang “Fire,” “I Don’t Care,” “I’m The Best,” at marami pang iba.

Related Chika:

Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandara Park hindi rin nakaligtas sa COVID-19: Voice has become strange…it will recover!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending