Basher boldyak kay Pokwang: Ako'ng bumuhay dyan g*g*!

Basher boldyak kay Pokwang: Ako’ng bumuhay dyan g*g*! Yang ama semilya lang

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Basher boldyak kay Pokwang: Ako’ng bumuhay dyan g*g*! Yang ama semilya lang

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 09:51 AM

Basher boldyak kay Pokwang: Ako'ng bumuhay dyan g*g*! Yang ama semilya lang

Pokwang, Lee O’Brian at Malia

BEAST mode” na naman ang TV host-comedienne na si Pokwang matapos mabasa ang ilang comments patungkol sa kanila ni Lee O’Brian.

Hindi pinalampas ng komedyana ang mga pinagsasabi ng ilang netizens about her and Lee, pati na rin sa kanilang anak na si Malia.

Sinagot ni Pokey ang ilang bashers na nag-post ng comments sa lumang Instagram post ng kanyang dating partner kung saan makikita ang muling pagkikita ni Lee at ng anak niyang si Malia noong November 27.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May isang netizen na nagsabing wala raw namana si Malia sa itsura ni Pokwang dahil lahat ng physical features ng bata ay mula kay Lee.

“She didnt take after her mom even a bit in her physical appearance.. she looks very much like you,” ang buong comment ng IG follower ni Lee.

Baka Bet Mo: Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Ito naman ang resbak ni Pokwang sa kanya, “So ano ngayon? ako ang bumuhay dyan gaga! yang ama semilya lang. sabihin ko kaya sayo yan? na ang nanay mo ay walang silbi semilya ka lang ng tatay mo kaya dapat magpasalamat sya!”

Komento ng isa pang netizen, “Ng dahil sa daddy May anak ka.”

Binuweltahan din siya ni Pokey, “Yan ang pinaka BOBONG OPINYON TANGA! magpasalamat? saan? na ako bumuhay lahat? GAGA KA? iyak na kayo mga tangahanga nyan bwahahahahaha lapit na!!!!”

Mukhang ang tinutukoy dito ni Pokwang ay ang pagpapa-deport ng Bureau of Immigration sa tatay ng kanyang anak na si Malia.

May isang netizen naman ang manawagan na tigilan na ang mga kanegahang posts. Pinagsabihan din niya ang IG followers ni Lee na huwag nang laitin at bastusin si Pokwang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Stop being negative buti nga pumayag na si @itspokwang27 wag nyo ng sulsulan pa yung mag ex ok na yan na civil at tahimik silang 2 lalo na si pokwang.

Baka Bet Mo: Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

“Hayaan nating kahit bigyan ng chance na makapag bonding lee and malia. Wag nyong sirain yung moment. And to @leeobrian can you restrain the negative comments about your ex. So she can feel a little better,” pakiusap ng netizen.

Hirit na sagot naman ni Pokwang, “Ay NO gusto nya yan! Haahaahaha!”

Samantala, may nagkomento rin ng, “I’m glad that Pokwang allowed you to meet Malia. After the nasty word for you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ni Pokwang, “Last na nila tan bwahahahahhaa party paaarrttyy!!! iyak na kayo!” Na tila nagkatotoo nga dahil pinababalik na si Lee ng BI sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending