Lee O'Brian tuluyan nang pina-deport ng Bureau of Immigration

Lee O’Brian tuluyan nang pina-deport ng Bureau of Immigration

Therese Arceo - April 11, 2024 - 03:20 PM

Lee O'Brian tuluyan nang pina-deport ng Bureau of Immigration

Lee O’Brian

WAGI ang Kapuso actress na si Pokwang matapos ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dati niyang partner na si Lee O’Brian.

Ngayong araw, April 11, isang anunsyo ang inilabas ng Bureau of Immigration kung saan kinukumpirma nito na tuluyan nang napa-deport ang ama ni Malia pabalik sa America noong Lunes, April 8.

Matatandaang nitong nakaraang taon lamang nang mag-file ng deportation case si Pokwang laban kay Lee dahil sa pagtatrabaho nito sa Pilipinas nang walang maayos na permit mula sa gobyerno.

Ayon sa kanyang isinumiteng reklamo, nagtrabaho ang kanyang dating partner sa iba’t ibang production companies kahit na hindi ito nakakuha ng mga permit mula sa Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration.

Baka Bet Mo: Pokwang wagi, Lee O’Brian pinapa-deport ng Bureau of Immigration

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, napa-deport si Lee pabalik ng San Francisco noong Lunes ng gabi matapos makumpirma na wala siyang pending local case sa Pilipinas.

Bilang consequence ng kanyang pagkaka-deport, kasama na ang pangalan ng dating partner ni Pokwang sa mga blacklisted sa Bureau of Immigration at hindi na ito maaaring makapasok muli sa bansa.

Matatandaang noong Disyembre 2023 nang unang nabalita ang pagkakapanalo ni Pokwang sa deportation case na kanyang isinampa laban kay Lee.

Nag-file naman ng motion for reconsideration sa kasong isinampa laban sa kanya ngunit na-deny ito.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Pokwang ukol sa tuluyang pagpapa-deport kay Lee pabalik ng Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending