‘Wil To Win’ tuloy pa rin sa pag-ere, pagtulong sa kababayan

‘Wil To Win’ tuloy pa rin sa pag-ere, pagtulong sa kababayan

Therese Arceo - August 16, 2024 - 06:53 PM

Wil To Win tuloy pa rin sa pag-ere, pagtulong sa kababayan

PINABULAANAN ng Mediaquest Holdings Inc. ang mga kumakalat na balita patungkol sa umano’y pamamaalam sa ere ng “Wil to Win” sa TV5.

Ngayong araw, August 16, naglabas ng official statement sa kanilang Facebook page para linawin na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita.

“Contrary to malicious and false reports, MQuest Ventures and Mr. Willie Revillame’s long-term partnership remains steadfast, committed to spreading happiness and creating winning moments for Filipinos,” saad sa official statement ng “Wil To Win”.

Baka Bet Mo: Bagong show ni Willie sa TV5 sisibakin agad – truth or fake?

 

Bekyk hierdie plasing op Instagram

 

‘n Plasing gedeel deur Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa nito, “MediaQuest is thrilled to celebrate the first month of “Wil To Win” with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions, and we extend our gratitude to our advertisers and the Kapatid community across the country and the world.”

Ibig sabihin ay patuloy pa rin ang pagbibigay saya at tulong nina Willie Revillame at kanyang mga co-hosts sa punliko.

Matatandaang maraming kumalat na balita sa socila media kung saan sinasabing tila magwawakas na ang comeback TV show ni Willie kahit na kakasimula lamang nito.

Sa katunayan, isang blind item pa ang lumabas na hinihinala ng netizens na si Willie ang binabanggit dahil tumutugma ito sa bagong show niyang “Wil To Win”.

Bagamat bago pa lang kasi ang show ay ilang beses na itong nag-trending dahil sa live na live na panenermon at kung minsa’y pagpapasaring umano ni Willie sa ibang network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending