Sikat na sexy star kaumay ang akting, paulit-ulit na lang

Sikat na sexy star kaumay ang akting, paulit-ulit na lang

Reggee Bonoan - August 15, 2024 - 09:22 AM

Sikat na sexy star kaumay ang akting, paulit-ulit na lang

Guess, guess who!?

WALA raw pagbabago ang isang sexy star dahil sa paulit-ulit nitong role sa mga pelikulang ginagawa niya na nababago lang ang pangalan ng kanyang karakter.

Ito ang obserbasyon ng direktor at ilang scriptwriters para sa mga pelikula at telebisyon.

“Umay na ‘teh! Ulit-ulit lang, eh, wala namang bago sa ginagawa kahit sa acting waley. Hindi rin naman papasa o mano-nominate sa acting awards,” kaswal na sabi ng isang nasa grupong nagtsitsikahan habang kami ay kumakain lang at nakikinig.

Baka Bet Mo: Vice nag-react sa paulit-ulit na tanong na ‘mahal mo pa ba ‘ko?’

Hirit pa ng isang writer, “Breadtrip lang naman ‘yun. Alam mo na.”

Well, totoo namang walang bago sa ginagawa ng sexy star, sayang nga at hindi namin siya nakakaharap para tanungin kung hindi ba siya nagsasawa sa ginagampanan niyang role na paulit-ulit lang?

Buti rin sana kung mapapansin ang husay niya sa pag-arte para naman mag-level up sana siya.

At napansin din namin pati interviews niya ay ulit-ulit din ang mga sagot kasi ‘yun at ‘yun din ang tanong sa kanya ng reporters sa mga panayam niya.

Sayang maganda pa naman si sexy star at kung mabibigyan siya ng magandang project ay naniniwala kaming mababago ang pagtingin sa kanya ng lahat at hindi lang basta nagpapakita ng katawan.

Pero baka nga kasi nag-iipon ang sexy star habang mainit-init pa siya. Sana lang ay hindi siya pagsawaan ng mga nanonood sa kanya.

* * *

Gumawa na naman ng panibagong online record ang Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos magtala ng higit 700,000 concurrent views sa unang pagkakataon sa YouTube.

Nakamit ito noong Agosto 13 na episode na may 729,234 peak concurrent views o ang sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Winasak nito ang sariling online record sa dalawang magkakasunod na gabi.

Baka Bet Mo: Enrique Gil tutuloy pa kaya sa pagganap sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’?

Tuloy-tuloy nga ang mga pasabog sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil nakamit ang panibagong milestone na ito sa loob lamang ng dalawang linggo mula noong lumampas sa 600,000 concurrent views ang serye.

Sa kasalukuyang kwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” tutok ang mga manonood sa mga makapigil-hiningang eksena dahil sumabak na sina Tanggol (Coco Martin) at ang kanyang grupo sa kauna-unahan nilang misyon kung saan agad silang nasubok sa matinding bakbakan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending