Vice nag-react sa paulit-ulit na tanong na 'mahal mo pa ba 'ko?'

Vice nag-react sa paulit-ulit na tanong na ‘mahal mo pa ba ‘ko?’

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 06:35 AM

Vice nag-react sa paulit-ulit na tanong sa dyowa na 'mahal mo pa ko?'

Vice Ganda

RELATE na relate ang madlang pipol sa naging isyu ng dating magdyowa na sumalang kamakailam sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime“.

Ang “panlalamig” sa relasyon ang isa sa mga naging rason kung bakit naghiwalay ang dating magdyowang sina Fatima at Ace na muling nagharap sa noontime show ng ABS-CBN.

Happy at kuntento noon sina Fatima at Ace sa kanilang relationship pero dumating daw yung araw na nanlamig sila dahil hindi na nila nabibigyan ng sapat na panahon ang isa’t isa.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista hiwalay agad kapag paulit-ulit na ang isyu sa karelasyon, may lalaking sinabihan ng, ‘Lumuhod ka sa harapan ko’

“Hindi na rin po niya ako nahahatid-sundo, wala na rin po time sa isa’t isa,” ang pagbabahagi ng searchee na si Fatima.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero in fairness naman daw, gumagawa rin naman siya ng paraan para magkaroon sila ng panahon para sa isa’t isa. Ang problema, parang hindi ito nagustuhan ni Ace.

“Ang ginagawa ko po para makita siya nagpupunta po ako ng bar, ganu’n then… siya na po ‘yung nayayamot sa akin, gawa ng makulit daw po ako.

“Ang kulit-kulit ko raw tapos na-feel ko po na parang wala na siyang gana sa akin. Tapos madalas na po kaming nag-aaway nagkakasabihan na po kami ng masasakit na salita,” rebelasyon ni Fatima.

Sey naman ni Ace, nagsimula siyang mapagod dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ni Fatima. Nakukulitan na raw talaga siya sa dating dyowa.

Baka Bet Mo: KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: ‘I’m not! Tigilan n’yo na yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!’

“Paulit-ulit na ho na tinatanong, na tatanungin ka palagi na ‘bakit wala ka ng time sa akin, ako ba ay mahal mo pa?” Ani Ace.

Pag-amin naman ni Fatima, “Nu’ng last po, tinanong ko po kung mahal pa niya ako, ang sagot niya po ay hindi ko na alam.”

Reaksyon ni Vice sa mga naging pahayag ng ex-couple, naiintindihan niya ang nangyari kina Fatima at Ace lalo na ang naramadam ng girl na kakulangan sa assurance ng kanilang relasyon.

“Maraming ganyan, ‘yung minsan kasi nga maraming napipika sa paulit-ulit, sinabi naman na niya ‘yun sagot na ‘yun kaya para sa kanya ay paulit-ulit ang naisip na lang niya, ‘Sige bigay ko na lang ang gusto mong sagot’ hindi na ‘yung totoong sagot,” ani Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“May kinalaman kasi ‘yan sa abandonment issue. May mga tao kasing may abandonment issue tapos, mayroong tinatawag na attachment style.

“Yung sa ‘yo, ‘yun ‘yung anxious attachment style, ‘yung paulit-ulit mong tinatanong para magkaroon ka ng validation at ma-reassure ka kahit naman na sinabi na sa ‘yo na mahal ka niya, tatanungin mo pa rin, ‘mahal mo pa ba ako.’ Tapos paulit-ulit ayun ‘yung anxious attachment style,” mahabang pahayag ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Um-agree naman si Fatima sa mga sinabi ni Vice, “Tapos makikipaghiwalay ka pero hindi naman talaga ‘yun ang gusto mo, makikipag-hiwalay ka para mapatunayan mo na hindi ka niya hihiwalayan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending