KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: 'I'm not! Tigilan n'yo na yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!' | Bandera

KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: ‘I’m not! Tigilan n’yo na yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!’

Ervin Santiago |October 31,2023
facebook
share this

KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: ‘I’m not! Tigilan n’yo na yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!’

Ervin Santiago - October 31, 2023 - 07:10 AM

KC lukang-luka na sa chikang buntis siya: 'I'm not! Tigilan n'yo yan ha, paulit-ulit sa totoo lang!'

KC Concepcion

TILA napikon na ang actress-TV host na si KC Concepcion sa hindi mamatay-matay at paulit-ulit na chika na nagdadalang-tao raw siya.

Sa kanyang Instagram account, nagpa-Q&A session sa mga netizens ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pamamagitan ng “Ask Me Anything”.

Ilan sa mga questions na ibinato sa kanya ng mga IG users ay sinagot niya sa pamamagitan ng video. Isa sa mga tanong kay KC ay tungkol sa umano’y pabagu-bago niyang itsura.

Hirit ng IG follower ng dalaga, “Y nmn super pa alter ng face?” Sagot sa kanya ni KC, walang binago sa mukha niya at naka-make-up lang daw diya nang sandaling yun.

“Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy,” pagtatanggol niya sa sarili.

Sinagot din niya ang nagtanong na netizen ng, “Are you really pregnant?” Sey ni KC, lumang balita na raw ito at never pa raw siyang nabuntis.

“Guys old news na yan. No, I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga ‘Marites’: Julia Montes may itinatago nga ba kaya may nakapatong na unan sa tiyan?

“Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang,” ang tila bwisit na bwisit nang sabi ni KC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilang beses na kasing natsismis na buntis si KC at paulit-ulit din niya itong dinenanay.

Baka Bet Mo: Kris Bernal napi-feel na ang pagiging ‘insecure’ sa katawan: I don’t always feel attractive while I’m pregnant

“Once & for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life,” aniya noong una siyang matsismis na nagdadalang-tao.

Taong 2019 nang mabalitang pregnant siya uli ulit na mariin din niyang itinanggi, “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.

“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.

“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!” paglilinaw ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay masaya na si KC sa piling ng kanyang Filipino-Swiss businessman boyfriend na si Michael Wuethrich.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending