KC Concepcion: ‘Thank you Lord sa once-in-a-lifetime reunion...'

KC Concepcion: ‘Thank you Lord sa once-in-a-lifetime reunion nina Mama and Papa!’

Pauline del Rosario |October 29,2023
facebook
share this

KC Concepcion: ‘Thank you Lord sa once-in-a-lifetime reunion nina Mama and Papa!’

Pauline del Rosario - October 29, 2023 - 12:44 PM

KC Concepcion: ‘Thank you Lord sa once-in-a-lifetime reunion nina Mama and Papa!’

PHOTO: Instagram/@kristinaconcpecion

TILA hindi pa rin maka-get over ang actress-singer na si KC Concepcion sa naging reunion concert ng kanyang magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa Instagram, ibinandera ni KC ang ilang moments sa concert kung saan silang tatlo ay tila naging emosyonal sa stage.

“Last night was a fairytale come true,” wika ng actress sa post.

Dagdag niya, “Thank you Lord sa pagkakataong ito na ma-experience ang once-in-a-lifetime reunion ni Mama and Papa…Along with 25,000 of you live at the arena! [star emojis]”

Humingi pa siya ng paumanhin na hindi siya nakapag-share ng updates sa social media dahil sinulit daw niya ang gabing iyon kasama ang kanyang mga magulang.

“Sorry for not sharing live updates last night [white heart emoji],” saad niya.

Paliwanag niya, “I savored every second of the night that will forever be etched in my #DearHeart [heart hands emoji] Thank you all for your love!”

Baka Bet Mo: KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Makikita naman sa comment section na super happy rin ang ilang netizens na present din mismo sa concert.

Ayon sa kanila, kahit sila raw ay naramdaman ang saya ni KC nang makumpleto ang pamilya sa stage.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“I am one of the thousands of Sharonians who witnessed last night’s nostalgic moment. We are truly happy for you ate KC! [red heart, sparkling emojis]”

“Most awaited, happy for the 3 of you and seeing your special someone beside you in the concert is a bonus [emojis]”

“Sobrang happy ko for you Kace. Parang natupad na din ang pangarap ko [red heart emojis].”

“AN ANSWERED PRAYER AND A WISH COME TRUE ESPECIALLY FOR YOU [heart emoji] Grabe ang kilig at iniyak namin sa reunion niyong tatlo sa stage.”

Noong Agosto, sinabi ni KC sa isang interview na super happy at super excited siya para sa “Dear Heart” concert ng kanyang magulang.

Magugunita noong Hulyo nang unang ibinalita ng dating mag-asawa ang nakatakda nilang reunion

Nagsimula ang pag-iibigan nina Sharon at Gabby nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal sina Sharon at Gabby.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang couple at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador Francis “Kiko” Pangilinan, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending