Lovi pinuri ng lady boss na si Gracee Angeles: Napakabuting tao

Lovi puring-puri ng lady boss na si Gracee Angeles: Napakabuting tao

Ervin Santiago - August 15, 2024 - 06:15 AM

Lovi puring-puri ng lady boss na si Gracee Angeles: Napakabuting tao

Gracee Angeles at Lovi Poe

MARAMING nagpapatunay na isa ang aktres at singer na si Lovi Poe sa mga artistang totoong mabait, walang kaplastikan at walang kaarte-arteng katrabaho.

Kaya naman hindi na kami nagugulat kung parami nang parami ang mga kumpanyang kumukuha sa kanya bilang brand ambassador.

Isa sa mga nagpatotoo ng pagiging humble, professional at dedication ni Lovi sa trabaho pati na ang pagiging makatao nito ay ang owner at CEO ng SCD Skin Care na si Gracee Angeles.

Sayang nga ay wala si Lovi sa bonggang birthday celebration ni Ms. Gracee na ginanap sa Sundowners Beach Resort sa Botolan, Zambales, na nagsilbi ring thanksgiving party para sa kanilang mga distributors, dealers and agents.

Baka Bet Mo: Bakit nagtatakbo si Coco habang kumakanta si Sharon at iba pang cast ng Ang Probinsyano?

Si Lovi kasi ang kauna-unahang brand ambassador ng SCD at hanggang ngayon ay nananatiling loyal ang aktres at singer sa nasabing brand.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)


Sey ni Gracee, priority ni Lovi ang endorsement niya at supportive sa kanyang mga kampanya ng kanilang beauty company kaya naman todo ang pasasalamat nito sa aktres.

Ayon pa sa lady boss, bukod kay Lovi na napakalaking tulong sa kanilang brand, gusto pa rin niyang magdadag ng mga ambassador.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais din niyang maging endorser sina Piolo Pascual at Heart Evangelista. Naniniwala raw siya sa magic at karisma ng dalawang big stars sa mga Filipino.

Samantala, kasabay ng kanyang bonggang birthday celebration ang launching ng bagong produkto ng SCD, ang Retinol serum.

Baka Bet Mo: Lovi ‘most challenging’ role ang pagiging nanay kapag nagka-baby na

Halos two years in the making daw ang paggawa nila nito dahil talagang binusisi at pinag-aralang mabuti ng kanilang kumpanya bago inilabas sa market.

Kuwento pa ni Gracee, walong taon na ngayon ang nakararaan nang ipakilala sa market ang kanyang kumpanya na may P1 million capital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gracee Angeles (@eevor)


In fairness, mabilis namang nakilala at sumikat ang kanilang skin care at beauty products dahil nga pak na pak ito noon at wala pang masyadong competitors. Ang mabentang-mabenta raw sa kanila mula noon hanggang ngayon ay ang kanilang organic soaps and lotions.

Ngunit aminado siya na ilang beses ding sumadsad ang kanyang negosyo, “For three years or more, as in lagapak. Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas lalo pang bumongga at lumago ang kanyang negosyo noong 2022 nang kunin nga niyang ambassador si Lovi Poe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending