BINI shookt sa ginawa ng LGBTQ couple sa Canada concert

BINI shookt sa ginawa ng LGBTQ couple sa backstage ng Canada concert

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 12:47 PM

BINI shookt sa ginawa ng LGBTQ couple sa backstage ng Canada concert

BINI

NA-SHOCK ang mga miyembro ng P-pop group na BINI sa ginawa ng isa nilang babaeng fan sa girlfriend nito pagkatapos ng kanilang concert sa Edmonton, Canada.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga SVIP ticket holders na makapagpa-picture sa members ng BINI sa backstage ng venue.

Habang nagpapalitrato ang isang grupo ng mga supporter ng Nation’s Girl Group ay biglang may isang female fan na nag-propose sa kanyang girlfriend.

Nakatayo malapit kina BINI Maloi at BINI Sheena ang naturang fan nang tanungin nito ang kanyang dyowa ng, “Will you marry me?”

Baka Bet Mo: Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!

Hindi lang ang BINI ang nagulat sa proposal kundi maging ang staff ng TFC at iba pang organizers ng concert kabilang na rin ang mga Blooms (tawag sa fans ng grupo) na nasa backstage.

Sabi ng nag-propose na nakilala sa pangalang Janine, talagang pinlano na niya ang kanyang proposal bago pa man maganap ang “BINIverse” concert sa Canada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“She hated the grand gesture like this, pero sabi ko she loves Maloi, we both love BINI so I had to do it and she said yes,” ang pahayag ni Janine sa panayam ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Alfred na-shock sa biglang pagkamatay ni Jaclyn: Tumindig ang balahibo ko!

Reaksyon naman ng kanyang partner na si Nica matapos mag-yes kay Janine, “I cannot say anything. I just wanna cry.”

Sabi naman ni Maloi sa interview ni MJ Felipe, “Nagulat kami, akala ko joke joke lang tapos nakita ko umiiyak na ‘yung girl.

“Oh my God, may nag-propose, tapos naiyak na kami lahat kasi first time na may nag-propose sa amin sa photo opp,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isa ‘yun sa hindi nila makakalimutan, at hindi rin namin malilimutan!” dugtong ng BINI member.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending