Alfred na-shock sa biglang pagkamatay ni Jaclyn: Tumindig ang balahibo ko!
NA-SHOCK din ang actor-public servant na si Alfred Vargas nang mabalitaang pumanaw na ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose.
Hindi niya akalain na ang shooting nila para sa pelikula nilang “Pieta” kasama ang Superstar na si Nora Aunor at ang actress-director na si Gina Alajar, ang huling pagkakataon na makakasama at makikita niya ang aktres.
Ang “Pieta” ay mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. at isinulat ni Jerry Gracio. At hinding-hindi niya makakalimutan ang pagiging movie at TV icon ni Jaclyn na napakagaling ding makisama sa mga taga-industriya.
“Super nagulat ako. Tumindig ang balahibo ko when I heard the sudden news over the phone.
“Hindi ako makapaniwala. Super nakakalungkot. Parang kailan lang ay nagsu-shooting kami for ‘Pieta’ at super okay pa siya noon.
Baka Bet Mo: Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!
“Wala akong nakitang karamdaman niya. Hindi talaga expected itong nangyari sa kanya,” ani Konsehal Alfred.
“I am eternally grateful to ms jane dahil sa mga naituro niya sakin at experiences ko with her. We lost a pillar of Philippine cinema too soon,” mensahe pa niya sa namayapang aktres.
Samantala, ibinalita rin ng aktor na hindi pa natatapos sa isinagawang special screening ng “Pieta” dahil ililibot pa ito sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay Alfred, na siya ring producer ng “Pieta” sa pamamagitan ng kanyang Alternative Vision Cinema, “Hindi natin pwede talikuran ang mga Noranian. “Kaliwa’t kanan ang requests nila for special screenings all over the Philippines and even abroad! Grabe bumabaha ng messages ang FB ko. Talagang gusto nilang panoorin ang Superstar.
“Kaya ‘yun ang gagawin natin. We have special screenings muna for all Noranians all over the country. Iikot ang Pieta,” ayon pa sa aktor.
Naibahagi rin ni Alfred na maganda ang naging pagtanggap sa “Pieta” nang magkaroon ito ng special screenings noong December at January kaya naman tuloy pa rin ang kanyang pagpo-produce.
“Yes. Pero my partners and I will take our time sa next project. For now focus muna sa PIETA.
“‘Yung pagpo-producr naman madali na kasi marami nang lumalapit sa atin for their story concepts and ideas. At ang daming magagandang projects na pwedeng gawin,” sagot nito nang usisain namin kung magpo-produce muli.
“Napupuno na ang baul! It’s just a matter of picking the right project after ‘PIETA.’ Honestly, mahirap kasing sundan ang Nora-Gina-Jaclyn ng ‘Pieta’ kaya pinag-iisipan talaga naming partners ‘yan,” aniya par.
Baka Bet Mo: Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join
Samantala, sobra-sobra pa rin ang kasiyahan at pasasalamat ni Alfred kay Lord dahil nakaraos sa maselang pagbubuntis at panganganak ang kanyang asawang si Yasmine noong Disyembre.
Aniya, masarap maging tatay kahit ikaapat na nilang anak si Aurora Sofia. At nababalanse pa rin niya ang kanyang panahon sa pagiging ama at asawa, aktor, at politiko.
“Sa awa ng Diyos, nababalanse natin ng maayos lahat sa responsibilities natin sa buhay. Ang saya kasi tuwing natatapos ang araw ko, super pagod ako pero hindi ako stressed. ‘Yung pagod ko is ‘yung pagod na masaya.
“Tuloy-tuloy lang ang serbisyo sa District 5, Quezon City habang may bago kaming baby, si Aurora Sofia. Siguro nga siya talaga nagbibigay inspiration at new-found energy ko lately.
“Ang sarap maging tatay at lalo akong na-excite sa buhay ko in general dahil sa kanya. Suwerte rin kasi ako sa misis kong si Yasmine na super hands-on sa pag-aalaga sa amin sa bahay at mga masisipag at passionate kong staff sa office kaya marami ako nagagawa at naa-accomplish both in my personal and public service life,” sabi ng aktor.
Dugtong pa niya, “Talagang may discipline ako sa implementation ng schedule ko. Every 15 minutes nakahati ang appointments ko. Usually I have 10-25 appointments a day depende sa araw. Nakakapagod talaga pero very fulfilling kapag productive ka at marami kang natutulungan.
“Suwerte rin ako dahil napaka-caring and hands on ni misis sa bahay. Pati mga staff namin sa bahay kabisado na ako kaya madali na ang lahat para sa akin pag-uwi ko. Wala na akong inaalala pag-uwi. Kakain at bonding time na lang talaga with family.
“Suwerte rin ako dahil super sipag at efficient na mga staff ko sa office. We share the same vision at dedicated talaga sila sa paglilingkod,” saad pa ng konsehal.
Ano pa ba ang plano niya ngayong 2024, “Pumayat pa lalo at ma-maintain ang isang healthy lifestyle hanggang tumanda ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.