Philmar ibinandera ang ‘last message’ sa kanya ni Jaclyn Jose

Philmar ibinandera ang ‘last message’, habilin sa kanya ni Jaclyn Jose

Pauline del Rosario |March 14,2024
facebook
share this

Philmar ibinandera ang ‘last message’, habilin sa kanya ni Jaclyn Jose

Pauline del Rosario - March 14, 2024 - 01:30 PM

Philmar ibinandera ang ‘last message’, habilin sa kanya ni Jaclyn Jose

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Jaclyn Jose

ILANG araw matapos inihatid sa huling hantungan, ibinandera ng partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo ang tila huling habilin sa kanya ng namayapang movie icon na si Jaclyn Jose.

Sa Instagram Story, ipinakita ni Philmar sa madlang pipol ang screenshot ng huling mensahe sa kanya ng yumaong batikang aktres.

Hindi idinetalye ng fiance ni Andi kung kailan niya na-receive ang message ni Jaclyn, pero mababasa na ipinagkatiwala na niya ang kanyang anak at mga apo kay Philmar.

“Any which way, take care of my daughter and my apos,” mababasa sa mensahe ng namayapang aktres.

Sey pa niya surfer, “Alam mo? Mahal kita Philmar, you are the father of my apos. Maraming salamat.”

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann ‘feeling lucky’ kay Philmar: ‘We can survive even if we we don’t have money, he can catch my food’

Philmar ibinandera ang ‘last message’, habilin sa kanya ni Jaclyn Jose

PHOTO: Instagram Stoyr/@chopoxz

Kasunod niyan ay ni-reshare din ni Philmar ang dating post para sa kanya ni Jaclyn noong ipinagdiriwang ang Father’s Day.

Mababasa sa caption ng batikang aktres na tinawag niyang “champ” ang soon-to-be son-in-law sana niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Noong March 2 nang inatake sa puso si Jaclyn na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay sa edad na 60.

Bago ang inurnment, nagpahayag ng madamdaming mensahe si Philmar bilang pagbibigay-pugay at nangakong patuloy nilang mamahalin ang ina ni Andi kahit ito ay nasa kabilang buhay na.

Saad niya, “Mingawon kami sa imo samot na an mga bata, Salamat sa tanan oras sa pag-alaga sa pag payangga sanan pag mahal sa amo.”

[Mami-miss ka namin, lalo na ang mga bata. Salamat sa pagbuhos ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat.]

Sey pa ng partner ni Andi, “Mahal kaw namo sanan mahalon hangtod sa hangtod.”

[Mamahalin ka naming lahat hangga’t magpakailanman.]

Samantala, taong 2020 nang ma-engage ang couple na sina Andi at Philmar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon silang dalawang anak na sina Lio at Koa.

May isa pang anak si Andi na si Ellie mula sa dating dyowa na si Jake Ejercito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending