Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila

Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

Pauline del Rosario |September 09,2023
facebook
share this

Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

Pauline del Rosario - September 09, 2023 - 01:50 PM

Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

PHOTO: Instagram/@andieigengirl

SA kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng “alone time” ang celebrity couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Nag-date kasi sila dito sa Manila na hindi kasama ang kanilang mga anak.

Sa isang Instagram post, makikita ang compilation video na makikitang sweet na sweet ang dalawa.

Ilan lamang sa mga ginawa nila ay kumakain sa restaurant at nanood ng sine.

“First date without the kids,” caption ni Philmar sa IG.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann ‘feeling lucky’ kay Philmar: ‘We can survive even if we we don’t have money, he can catch my food’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Nag-post din si Andi sa kanyang IG Stories at ikinuwento na nagkita sila ni Philmar sa Manila pagkatapos ng event na dinaluhan niya.

“[Philmar] and I met up in Manila for a day! First time without our kids. [Who this]?” sey niya.

Bukod diyan ay proud ding ibinandera ng aktres ang naging date nila ng partner.

Kalakip niyan ay ang kanyang dating tips sa isang relasyon na tinawag niyang “2-2-2 rule.”

“Apply the 2-2-2 rule —— every 2 weeks go out on a date, every two months go out the island or somewhere for the weekend and every 2 years go out the country for a week or two [heart emojis] My rule in my relationship,” pagbabahagi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Kinilig naman ang maraming netizens sa sweet moments ng dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“True love [red heart emoji]. You guys are my ideal couple [emojis].”

“Bakit ang cute niyo? Ang saya naman ng date niyo! [red heart emojis].”

“Sana All! Stay inlove sa inyong dalawa. Sa hirap at ginhawa [red heart emoji].”

“Ang sweet naman ng dalawa minus the kids..enjoy the moment Andi and Philmar.”

Magugunitang taong 2020 nang ma-engage sina Andi at Philmar.

Taong 2018 pa naninirahan sa isla ng Siargao ang dalawa kasama ang dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa, pati na rin ang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.

Bukod sa pamilya, pinagkakaabalahan din ng soon-to-be husband and wife sa Siargao ang kanilang negosyo na surfing school at snack bar.

Noong Marso lamang ay sinagot ni Andi ang mga taong judgemental pagdating sa relasyon nila ng fiancé na si Philmar.

Ayon sa dating aktres, batid niya na marami ang hindi sang-ayon umano sa relasyon nila ng partner dahil magkaiba ang kanilang buhay.

Gayunpaman ay nagsilbi itong pagsubok sa kanya upang lalong makasiguro na si Philmar ang gusto niyang makasama sa kanyang buhay.

“We did face a lot of judgment because we come from very different backgrounds, but it’s either from people who don’t know us or refuse us or get to know us, you know, our backgrounds,” sey ni Andi.

Patuloy niya, “And honestly, hearing this and reading those things from other people made me more sure of my decision to be with him or to choose this kind of life.”

Nabanggit din ng aktres na marami ang nagsasabi na maswerte sa kanya si Philmar, pero ang totoo raw ay pareho lang daw silang maswerte sa isa’t-isa.

Hindi raw basehan ang may pinag-aralan o galing sa mayamang pamilya dahil kahit anong sitwasyon nilang pamilya ay kayang-kaya nilang mabuhay, lalo na’t kayang pumaraan ni Philmar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika: 

Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending