Darren hindi agree sa panliligaw ng katropa sa kanyang kapatid?

Darren hindi agree sa panliligaw ng katropa sa kanyang kapatid?

Ervin Santiago - August 07, 2024 - 12:33 PM

Darren hindi agree sa panliligaw ng katropa sa kanyang kapatid?

Darren Espanto

MUKHANG relate much ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto sa naging love story ng former couple sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime.”

Napag-usapan sa Tuesday episode ng programa kung paano magsimula ang relasyon ng dating magdyowang sina Gena at Maku.

Ayon sa kanila, ang kakambal ng searchee na si Gena ang naging daan para makilala niya si Maku.

Baka Bet Mo: Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak

Ang plot twist, talaga raw ikinagulat ng kapatid ni Gena na best friend naman ni Maku na may nabubuo ng “something” sa kanilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Sabi ni Maku sa host hg show na si Vice Ganda, “Nagulat siya Meme nu’ng nalaman niya.”

“Nagulat siya pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan,” sey pa nito nang tanungin kung nagalit ba ang kanyang BFF.

Baka Bet Mo: Vice sa mga lalaking irereto kay Kim: Hindi pwedeng basta-basta lang!

Kasunod nito, binalingan naman ni Vice ang co-host nilang si Darren at tinanong kung tulad ni Maku at kapatid ni Gena, papayagan din ba niyang ligawan ng bestfriend niya ang kanyang kapatid na si Lynelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


“Hindi ko rin alam kasi depende ‘yan e, sa sitwasyon naman. Parang hindi rin ako papayag agad,” sagot ni Darren.

Feeling ng singer at aktor, tulad ng kapatid ni Gena, parang magkakaroon din siya ng pag-aalinlangan kung mangyayari ito sa kanya.

Sabi naman ni Vice, “Kasi, ‘di ba, dapat sister mo rin iyon? Ganu’n ‘yung relationship dapat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness sinang-ayunan naman ni Darren ang pahayag ng TV host-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending