Chito nai-stress pag 'di kasama pamilya sa abroad: Miserable ako

Chito nai-stress pag ‘di kasama pamilya sa abroad: Nagiging miserable ako

Ervin Santiago - August 06, 2024 - 07:57 AM

Chito nai-stress pag 'di kasama pamilya sa abroad: Nagiging miserable ako

Parokya ni Edgar at Chito Miranda kasama ang pamilya

NAI-STRESS at inaatake ng matinding homesick ang singer-songwriter na si Chito Miranda sa tuwing nagtu-tour ang Parokya ni Edgar.

Ito ay kapag hindi raw niya kasama ang kanyang asawang si Neri Miranda pati na ang mga anak kapag may concert at live show ang kanilang banda sa ibang bansa.

Ayon kay Chito, mas kampante at mas enjoy siya kapag kasama niya ang pamilya sa pagpunta sa iba’t ibang bansa. At siyempre nagiging mas memorable pa ito para sa kanilang lahat.

Baka Bet Mo: Chito babu muna sa solo career: Walang iwanan sa Parokya! Rakenrol!

Nagbahagi ang OPM icon ng litrato nila ng pamilya sa Instagram kalakip ang kuwento tungkol sa kanyang nararamdaman kapag nasa ibang bansa siya kasama ang mga kagrupo sa Parokya ni Edgar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“May tour kami sa New Zealand at Australia.

“More than 3 weeks din aabutin yung tour so sinama ko ulit buong pamilya ko para iwas homesick. Nai-stress kasi talaga ako pag matagal akong nawawala eh,” simulang pagbabahagi ni Chito

“Alam ni Neri at ng mga kabanda ko yun. Palagi kong gusto umuwi agad after work, at di ko talaga kaya mag matagal na tour na hindi sila kasama.

Baka Bet Mo: Neri Miranda nahirapang maglihi kay Cash: Pero nu’ng nanganak ako ang bilis parang drive-thru lang

“Sa totoo, oks lang naman sa pamilya ko kung matagal akong mawala eh. They all understand na may work ako, and oks lang sa kanila kung kelangan ko umalis ng matagal tapos kelangan nila mag-stay sa bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“I’m sure mami-miss nila ako, pero they’d be fine,” pagbabahagi pa ng award-winning singer-songwriter.

Pag-amin naman niya, “Ako lang talaga yung problema…di ko talaga kaya. Nalulungkot talaga ako.

“Masaya yung gigs. Sobrang saya pa rin tumugtog. Sobrang enjoy din kasama mga kabanda ko.

“Pero yung mga bakanteng araw na walang work, du’n ako nayayari. Nagiging miserable talaga ako, and di ko na nae-enjoy mag-tour.

“Buti nalang talaga sinasamahan nila ako.

“Enjoy na sila mag-travel, enjoy pa ko magtrabaho.

“Wala lang…baka kasi iniisip ng iba, sila yung nagpupumilit sumama sa tour eh hahaha

“Sa totoo, kung alam nyo lang, I really need them to be with me para maka-function ako nang maayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganito yata talaga pag tatay ka na eh,” ang kabuuang post ni Chito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending