2 magandang aktres 'nagkakamabutihan' na raw

2 magandang aktres ‘nagkakamabutihan’ na?; ‘Pamilya Sagrado’ puno ng pasabog

Reggee Bonoan - August 04, 2024 - 09:42 AM

2 magandang aktres 'nagkakamabutihan' na raw, true kaya ang chika?

TRULILI kaya ang chikang narinig namin tungkol sa dalawang magandang aktres na playing music together?

Nagulat kami ay dahil parang wala naman sa tipo ni aktres A na makipagmabutihan sa kapwa niya gurl dahil ang alam namin ay puro boys ang nakarelasyon niya.

At sa katunayan ay may nali-link sa kanyang personalidad na hindi naman tukoy kung sila na, pero may mga nakakakita raw na magkasama ang dalawa sa isang malayong lugar.

Si aktres B naman ay hindi na kami magugulat kung ma-link siya sa kapwa niya gurl kasi may record naman na siya noon pa, pero hindi naman niya ito inamin pa sa publiko tulad ng ibang kilalang personalidad na umaaming kabilang sila sa LGBTQ + community.

Baka Bet Mo: True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na?

“Mga circle of friends niya at mga nakatrabaho niya sa shows ang nakakaalam na si (aktres B) ay may dyowa kasi naman kasama niya lagi,” sabi ng kausap naming kilala ring personalidad.

Bigla tuloy kaming napaisip na oo nga walang nali-link na guy kay aktres B at si aktres A naman kahit may nali-link ay hindi naman niya inaamin at napansin din naming super close ang dalawang aktres.

Well, kung masaya sa isa’t isa sina aktres A at B ay maging masaya na rin tayo lalo’t wala naman silang ibang nape-perwisyong tao at higit sa lahat ay single naman sila

***

Pasabog ang mga plot twist sa Kapamilya teleseryeng “Pamilya Sagrado” matapos itong magtala ng record-breaking online views sa dalawang magkakasunod na gabi.

Kasabay nito ang matinding rebelasyon sa serye na si Moises (Kyle Echarri), ang anak ni Rafael (Piolo Pascual).

Kapanapanabik ang episode noong Hulyo 31 na nakapagtala ng all-time high na 619,889 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Ito ang unang beses na lumagpas ito sa 600,000 views para sa mga sabay-sabay na nanonood.

Kapit na kapit ang mga manonood sa kwento dahil nakatakdang magbago ang kapalaran ni Moises dahil kumpirmado nang siya ang anak ng bise-presidente na si Rafael.

Ngunit hindi pa ito natuklasan ng mag-ama at gagawin ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, ang lahat upang hindi ito mabunyag sa taumbayan.

Inuulan din ng papuri ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Moises at Justin (Grae Fernandez), na anak din ni Rafael.

Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin at ang pamilya nito para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Roland.

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan para protektahan ang kanilang reputasyon.

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya? Paano kaya makakaapekto ang totoong identidad ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending