Kilalang loveteam rest muna, hindi nakatulong sa brand na inendorso
TILA pinagpapahinga muna ng management company ang dalawa nilang artista na magka-loveteam para ma-miss daw sila ng fans.
Sumobra kasi ang exposure ng magka-loveteam nitong mga nagdaang taon na kaliwa’t kanan ang proyekto mula sa pelikula, TV series at product endorsements.
Ganu’n naman talaga kapag maraming projects at laging napapanood, ito naman ang dahilan para kunin silang product endorsers kasi sikat sila.
At dahil hindi ganu’n kalakas ang resulta ng huling pelikula ng magka-loveteam ay pahinga raw muna sila, binilinang unahin ang kanilang mga duties sa pamilya nila.
Baka Bet Mo: Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam
Ang multi-million peso talent fee ng magka-loveteam mula sa kilalang produkto ay hindi na ni-renew dahil hindi naman daw sila nakatulong sa kumpanya.
At higit sa lahat, hindi rin nabawi ng brand ang ibinayad na malaking talent fee sa magka-loveteam.
Ang magka-loveteam ay isa sa prime artists ng kanilang management company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.