True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na? | Bandera

True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na?

Reggee Bonoan |July 06,2023
facebook
share this

True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na?

Reggee Bonoan - July 06, 2023 - 05:27 PM

True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na?

TRULILI kaya ang nasagap naming balita na nagkakamabutihan na umano si Liza Soberano at ang record producer na si Jeffrey Oh?

Sitsit ng aming source, “Wala na talaga sina Enrique (Gil) at Liza dahil kay Jeffrey Oh. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nila inaamin.”

Sabi namin, may pictures sina Quen at Liza kamakailan na inilabas ng dating handler nila. Magkasama ang dalawa nang magkita-kita kamakailan kasama ang iba pang handlers sa Star Magic.

“Pansin mo naman siguro ‘yung itsura nila, naka-smile pero kita mong may lungkot at nakita mo rin ang pag-upo, pormal unlike dati na magkadikit talaga,” sabi ng source namin.

So, hanggang kailan kaya itatago ng LizQuen ang tunay na estado ng kanilang relasyon? Pinaaasa lang ba ang mga supporters nila?

“Lalabas din ‘yan one of these days, abangan mo,” kaswal na sabi ng aming source.

Anyway, si Jeffrey Oh ang tumatayong Chief Executive Officer o CEO ng Careless at si James Reid ang presidente bilang business partners sila.

Baka Bet Mo: Liza Soberano pinayuhang magpalit ng management, sey ni Direk Benedict Mique: You are being handled not only by careless but stupid people

Ang Careless ay dating Careless Music Manila na record label na itinayo ng magkaibigang James at Bret Jackson noong 2017 in partnership with Viva Records.

At dahil nagpa-release na si James sa Viva Artist Agency at nagdesisyong i-manage ang sarili at iba pang artist tulad ng ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre ay kumalas na rin ang Viva sa kanila.

Dahil umalis na si James sa VAA kaya ginawa na lang Careless ang talent management at ginawang CEO si Jeffrey Oh na nagha-handle ngayon ng career ng ibang artists partikular na ang aktres na si Liza.

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika si Jeffrey Oh kung saan talaga siya naka-base dahil nandoon din ang contacts niya at tila walang balak bumalik ng Pilipinas kaya wala rin kaming balita  kung ano na ang nangyayari sa Careless company nila ni James dahil hindi na nagsasalita ang huli tungkol dito.

Si Liza naman ay pauwi-uwi ng Pilipinas dahil sa promo shoot at iba pang commitments para sa mga brands na ineendorso niya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa New York City ang aktres base na rin sa kanyang Instagram post kagabi.

“I was in NYC for a quick minute! My New York vlog will be up on my channel tomorrow at 6PM! See you then,” aniya.

Bukas ang BANDERA para sa panig nina Jeffrey Oh at Liza tungkol sa isyung nagli-link sa kanila ngayon?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging ‘Nega-star ng bashers’ si Liza: ‘Gumawa kayo ng sariling diskarte’

Liza Soberano may bagong dyowa na, foreigner raw sabi ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending