Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging 'Nega-star ng bashers' si Liza: 'Gumawa kayo ng sariling diskarte' | Bandera

Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging ‘Nega-star ng bashers’ si Liza: ‘Gumawa kayo ng sariling diskarte’

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging ‘Nega-star ng bashers’ si Liza: ‘Gumawa kayo ng sariling diskarte’

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 11:43 AM

Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging 'Nega-star ng bashers' si Liza: 'Gumawa kayo ng sariling diskarte'

James Reid, Cristy Fermin at Liza Soberano

SINISISI ngayon ng mga LizQuen fans ang Careless talent management at record label ng grupo ni James Reid sa kanegahan ngayon ni Liza Soberano.

Marami ang nagsasabi na kung hindi raw kasi umepal at nakialam ang team ni James sa career ni Liza ay siguradong namamayagpag pa rin ang showbiz career ng aktres.

Sana raw ay hindi na nilayasan ng dalaga ang dati niyang talent manager na si Ogie Diaz na hindi naman daw nagkulang sa pag-aalaga sa kanya dahil never naman siyang nawalan ng projects sa ABS-CBN at napakarami rin niyang endorsements.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Isa sa mga naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersyang ito ay ang veteran entertainment columnist na si Nanay Cristy Fermin na ilang beses na ring nagkomento sa issue about Liza.

Sabi ni Nanay Cristy, maganda na sana ang rebranding ng aktres pero bigla itong nasira at nawalang-saysay nang magsalita laban sa mga taong dating nag-manage at nag-alaga sa kanya.

Hindi rin daw nakatulong ang paglabas ng “This is Me” vlog ni Liza Soberano sa gusto nitong mangyari sa kanyang career.

Baka Bet Mo: Maine nag-sorry sa mga negang tweet 10 years ago: It was my careless self talking…

Partikular pang tinukoy ng premyadong TV-radio host ang Careless talent management na umano’y nakasira sa rebranding ni Liza.

Aniya, dapat gumawa ng ibang diskarte ang grupo ni James para pag-usapan ang aktres sa halip na banatan ang dati niyang mother network at former talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


“Bakit kailangan n’yong pasamain ‘yung dating manager ni Liza? E samantalang may naganap naman sa career ni Liza.

“Dahil kung walang naganap, hindi sumikat si Liza, hindi niyo siya kukunin para pakinabangan dito sa Careless management,” ang punto ni Nanay Cristy.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Ang ganda sana ng rebranding niya. Ang ganda sana ng paglipat niya, e hindi e. Baliktad ang nangyari. Siniraan ang ABS-CBN, siniraan ang Star Magic, ang Star Cinema at si Ogie Diaz.”

Hirit pa niya, “Tatatlong piraso kayo o apat o lima, kung ilan man kayo diyan sa Careless whisper niyo na ‘yan, iilang piranggot kayo diyan hindi pa kayo nagkakausap.

“Ano bang nangyayari sa inyo? Bali-baliktad ang mga kwento niyo. Gawan niyo ng sarili niyong diskarte si Liza Soberano nang hindi niyo sinisira ‘yung dating management,” sabi pa ni Nanay Cristy.

Balita namang bumalik na sa Amerika si Liza para ipagpatuloy ang pagtupad sa kanyang Hollywood dream.

Liza Soberano pinayuhang magpalit ng management, sey ni Direk Benedict Mique: You are being handled not only by careless but stupid people

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake mahigit 1 taon nang hindi tumotoma, inspirasyon si Baron: Pareho naming gustong ibahin yung diskarte namin sa buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending