Magandang aktres 'di aware sa 'side trip' ng dyowa, pati frenny niya bet tikman?

Magandang aktres ‘di aware sa ‘side trip’ ng dyowa, pati frenny niya bet tikman?

Reggee Bonoan |December 07,2023
facebook
share this

Magandang aktres ‘di aware sa ‘side trip’ ng dyowa, pati frenny niya bet tikman?

Reggee Bonoan - December 07, 2023 - 10:10 AM

Magandang aktres hindi na kinaya ang gawain ng dyowang aktor

AKALA namin ay loyal ang boyfriend ng magandang aktres sa kanya dahil sa ilang taon nilang relasyon ay walang nabalitang nagkaroon ng away o selosan ang dalawa.

Pero hindi pala totoo dahil kapag abala sa tapings/shootings ang magandang aktres ay kung sinu-sino palang babae ang pinapupunta ng boyfriend niya sa bahay nito at kung minsan ay nagkikita naman sa labas at magkasama sa buong magdamag at madaling araw na babalik sa bahay si guy para pagtawag o kaya dumating ang dalaga ay nandoon ang dyowa niya.

Marahil ay laging ganito ang ginagawa ng boyfriend ng magandang aktres hanggang sa nakahanap siya ng katapat dahil ang niyaya niyang mag make-out ay ang model/actress na kaibigan ng kanyang dyowa.

Kaagad tumanggi ang model/actress at sabay sabing, “Kaibigan ko ng girlfriend mo.”

Humingi naman daw kaagad ng sorry ang boyfriend ng magandang aktres sa kaibigan nito at nakiusap na ‘wag na lang mag-ingay.

Hindi naman nagkuwento ang kaibigan ng magandang aktres sa kanya kundi nabanggit niya ito sa common friend nila.

Anyway, sana maisip ng boyfriend ng magandang aktress na ‘in a relationship’ ito noon pero iniwan ito ng dalaga ang dating dyowa dahil sa mga pangako noon ng karelasyong kayang gawing posible ang lahat ng imposible basta’t magkasama sila at mukhang sinusubok sila ng panahon dahil bihirang magkita ang dalawa, sa madaling salita LDR o long distance relationship sila.

Baka Bet Mo: Magandang aktres hiwalay na sa dyowa dahil may iba ang lalaki; ‘Digitally remastered classics’ babandera sa iWantTFC

* * *

Ginulat ng Kapamilya aktor na si Ejay Falcon ang manonood sa kanyang pagpasok bilang bagong karakter sa panghapong serye na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Ginagampanan ni Ejay ang misteryosong papel ni Elias na may malalim na koneksyon sa mga Buencamino. Sa kanyang unang paglitaw sa serye noong Martes (Disyembre 5), iniligtas niya si Olivia (Jane Oineza) mula sa kidnapping na iniutos mismo ni Victoria (Maila Gumila).

Naintriga naman ang manonood sa pagpasok ni Ejay sa serye kung kakampi o kalaban ba ito at kung ano ang magiging papel niya sa buhay ni Olivia.

“Curious ako kung ano magiging role ni Ejay dito? Kakampi ba siya o kalaban?” ani @jsv_thewarrior sa X.

“Ang ganda na! Magtutulungan na si Elias at Olivia laban sa mga Buencamino plus isali pa natin si Philip! Mas masakit na maningil ang karma!” saad ni @alifahlidya.

“Si Elias na ba ang bagong hero ni Olivia? Grabe ang daming twists ng kwento at hindi talaga ma-predict kung ano yung mga susunod na mangyayari,” komento naman ni @dieth0509.

Samantala, determinado pa rin si Philip (JC De Vera) na muling makuha ang tiwala ni Olivia at mailayo ito mula kay Lucas (Tony Labrusca) na siyang ama ng ipinagbubuntis ni Melinda (Ria Atayde).

Huwag palampasin ang nagbabagang emosyon sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:15pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending