Pagkamatay ni Ivana sa 'Batang Quiapo' nangwasak ng record

Pagkamatay ni Ivana sa ‘Batang Quiapo’ nangwasak ng record

Reggee Bonoan - August 01, 2024 - 08:43 AM

Pagkamatay ni Ivana sa 'Batang Quiapo' nangwasak ng record

Ivana Alawi

RAMDAM na ramdam namin ang sakit ng pag-iyak ni Olga/Beng sa pagkamatay ng anak niyang si Bubbles/Samantha na ginampanan ni Ivana Alawi.

Hindi pinalampas ng mga manonood ang Tuesday episode (Hulyo 30) ng ABS-CBN action serye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ito nga yung araw na pinatay na ang karakter ni Ivana sa serye kung saan binaril siya ni David, na ginagampanan naman ni McCoy de Leon.

Masakit para kay Olga/Beng ang kinasapitan ng anak dahil kung kailan siya nakilala nito bilang ina ay saka pa ito nawala kaya’t lahat ng pangarap niya para sa anak ay nauwi sa wala.

Baka Bet Mo: Si Michael V ba ang nagdedesisyon kung sinu-sino ang tsutsugihin at idadagdag sa ‘Bubble Gang’?

Bilang ganti base sa episode nitong Miyerkules ay isinuplong ni Olga/Beng sa mga pulis ang mga pugante na tumakas sa bilangguan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Anyway nadaanan ng kamera ang petsa ng pagkamatay ng karakter ni Ivana noong Hulyo 10 na sa madaling salita ay ito ang last taping day ng aktres na umabot pa ng 20 days ang exposure niya.

Akala nga namin ay mae-extend pa si Ivana dahil sabi nga ay hindi naman agad mawawala si Bubbles dahil marami itong pondo na aabot pa ng isang buwan pa.

Tulad nga ng pahayag ng kampo ni Ivana ay may iba na siyang gagawin kaya namaalam na siya sa “Batang Quiapo” at hindi totoong nagdiva-divahan siya sa shooting.

Ipinagtanggol na rin si Ivana ng co-actors niya sa serye at inilarawan pang napakabait na tao at katrabaho. Palabati at lagi rin daw nakangiti ang aktres at hindi totoong nakasimangot ito kapag dumarating sa set.

Baka Bet Mo: Ivana pinatay na sa Batang Quiapo: Salamat sa pag-aalaga n’yo sa akin

Anyway, winasak ng “BQ” ang sarili nitong online viewership record matapos makumpirma ang pamamaalam ng karakter ni Ivana na nakakuha ito ng iba’t ibang trending topics sa social media.

Nakapagtala ang naturang episode ng all-time high na 610,927 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Nakamit ng serye ang panibagong online record sa dalawang magkakasunod na gabi at ito rin ang kauna-unahang beses na lumagpas ito sa 600,000 views para sa mga sabay-sabay na nanonood.

Tinutukan ng mga manonood ang emosyonal na episode kung saan nadurog ang puso ni Tanggol (Coco) matapos makitang duguan at wala nang buhay si Bubbles.

Hindi na kasi naabutan ni Tanggol kung paano pagbabarilin ni David (Mccoy De Leon) si Bubbles hanggang sa hindi na ito kayang makipaglaban.

Bago pa nito, naipit din si Tanggol sa matinding bakbakan kung saan namatay din ang lolo ni Bubbles na si Celso (Soliman Cruz) dahil sa tadtad ng bala mula kay David.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng movie version nito mula sa Regal Entertainment, tuwing 8 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending