Ivana Alawi pinatay na sa Batang Quiapo: Salamat sa pag-aalaga

Ivana pinatay na sa Batang Quiapo: Salamat sa pag-aalaga n’yo sa akin

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 11:12 AM

Ivana pinatay na sa Batang Quiapo: Salamat sa pag-aalaga n'yo sa akin

Ivana Alawi at Coco Martin

TULUYAN nang nagpaalam si Ivana Alawi sa hit Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” bilang si Bubbles.

Sa episode ng serye kahapon, July 30, pinatay na ang karakter ng sexy actress-vlogger. Naging madugo ang pagkamatay ni Bubbles matapos siyang tapusin ni David, na ginagampanan naman ni McCoy De Leon.

Sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment, mababasa ang mensahe ng pasasalamat para kay Ivana dahil sa pagiging bahagi ng kanilang programa na ilang taon na ring bumabandera sa TV at online platforms.

Baka Bet Mo: Pakilig ni Ruru kay Bianca: ‘Para sa akin ikaw ang pinakamagaling na nakatrabaho ko, maraming salamat sa ‘yo my love for being maalaga’

“Maraming salamat, Ivana Alawi sa pagiging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo. Hanggang sa muli, Bubbles!” ang caption na nakalagay sa kanilang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Nagpasalamat din ang sexy actress sa ABS-CBN at sa Dreamscape sa pamamagitan ng Instagram para sa tiwala at opportunity na ibinigay sa kanya na maging bahagi ng “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Nu’ng unang inalok sakin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?”

“Pero dala na ng aking tiwala sa ABSCBN lalo na kay Tita Cory, Direk Coco, at sa panalangin ko din, tinanggap ko siya ng buong puso. At sobrang proud ako sa show na ito,” ang simulang pagbabahagi ng dalaga.

Patuloy pa niya, “Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin.

Baka Bet Mo: Si Michael V ba ang nagdedesisyon kung sinu-sino ang tsutsugihin at idadagdag sa ‘Bubble Gang’?

“At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko.

“From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles.

“Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo.

“Hanggang sa muli, Bubbles signing off,” ang buong mensahe ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Kung matatandaan, napabalita na tatanggalin na si Ivana sa serye ni Coco dahil uma-attitude na raw ito sa shooting na hindi nagugustuhan ng production.

Pero dinenay ito ng kampo ni Ivana at sinabing kailangan na munang tumigil ang aktres at content creator sa paggawa ng serye dahil sa iba pa nitong commitments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong buwan lamang daw sana ang itatagal ni Ivana sa programa pero na-extend nang na-extend dahil bumenta ang tambalan nila ni Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending