Baguhang aktor hinalay ng 2 'powerful' beki, ama magdedemanda

Baguhang aktor hinalay ng 2 ‘powerful’ beki, tatay magdedemanda?

Ervin Santiago - July 30, 2024 - 06:46 PM

Baguhang aktor hinalay ng 2 'powerful' beki, tatay magdedemanda?

Guess, guess who!?

HOT na hot ngayon ang isyu tungkol sa isang baguhang aktor na umano’y hinaras ng dalawang beki na konektado sa isang TV network.

Ang sinasabing newbie na youngstar ay anak ng kilalang aktor na rumampa kamakailan sa isang bonggang event na dinaluhan ng sangkaterbang celebrities in and out of showbiz.

Nabasa namin ang isang Facebook post tungkol sa baguhang aktor na balitang pinagnasahan at pinagsaluhan ng dalawang “powerful” na bading sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: Tom nag-sorry kay Kelley Day matapos maakusahang ‘the other woman’ sa breakup nila ni Carla

Nangyari umano ang panghahalay sa isang hotel kung saan ginanap ang isang engrandeng event kamakailan lamang.

Base sa kumakalat na chika, pinapunta umano ng dalawang beki si baguhang aktor sa room nila sa naturang hotel para raw magkachikahan sila kahit sandali lang.

Pero ang ending, may balak daw palang masama ang mga ito sa bagets. Buti na lang daw at may biglang kumatok na staff sa kwarto para mag-deliver ng wine. Dito na raw tumakbo ang aktor palabas ng room.

Balitang nakikipag-usap na raw sa abogado ang tatay ng baguhang youngstar para mabigyan ng leksiyon ang mga taong nangharas sa bagets.

Samantala, may inilabas na official statement ang GMA Network tungkol sa isang insidente na kinasasangkutan ng isang “artist” at ng tinawag nilang “independent contractors”.

Walang binanggit na pangalan at hindi rin tinukoy ng istasyon ang kuwento sa likod ng pag-iisyu nila ng opisyal na pahayag pero mukhang may konek nga ito sa mga naglabasang artikulo sa social media hinggil sa nangyari sa isang male youngstar.

Baka Bet Mo: Hubo’t hubad na litrato ni Iza pak na pak sa Women’s Month: I’m powerful!

Konektado umano ang dalawang bading na involved sa isyu sa GMA. Narito ang nakasaad sa official statement ng Kapuso Network.

“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.

“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue.

“Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness,” pahayag ng network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending