Donny Pangilinan nakipagbayanihan para sa nasalanta ni Carina
NAGLAAN ng panahon ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan upang makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng super typhoon Carina.
Isa si Donny sa mga nag-volunteer para sa relief mission na isinasagawa ng Angat Buhay Foundation para makapag-abot ng ayuda sa mga residente mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Ang Angat Buhay Foundation ay itinatag at pinasimulan ni dating Vice President Leni Robredo noong July, 2022 at hanggang ngayon ay aktibo pa rin ito sa paghahatid ng suporta at tulong kapag may sakuna at kalamidad.
Baka Bet Mo: Willie pinagbawalang mamigay ng pera sa matatanda at bata na nasalanta ng bagyong Odette dahil…
Sa Facebook page ng Angat Buhay, makikita ang ilang litrato ni Donny na nagpi-prepare at nagdi-distribute ng lugaw sa naapektuhan ng malawakang pagbaha sa National Capital Region o NCR.
“#AngatBayanihanInAction: Donny Pangilinan volunteers at Urban Chick Maginhawa para sa preparation ng mga lugaw na ipapamahagi sa mga apektado ng bagyo.
“Maraming salamat sa pakikipagbayanihan, Donny!” ang nakalagay sa caption ng FB post ng naturang organisasyon.
Bumaha naman ng magagandang komento mula sa mga netizens para sa kabayanihan ni Donny.
“God bless you more po sa mga Angat volunteers and to sir Donny Pangilinan.”
Baka Bet Mo: Kris ibinuking si Angel: Nagbigay po siya ng P2M para sa mga nasalanta ng bagyo
“Wow gwapo na mabait pa ang idol ng bayan.”
“Saludo at Pasasalamat Donny Pangilinan at sa lahat ng Volunteers!”
“Mga nagsupport na mga di nagsisi , mad naging proud pa like Donny para isupport si Madam Atty. Leni Robredo.”
“Tingnan nyo..sa dami natin na Kakapink.ANGAT BUHAY…P25.00 ay…HAYAHAY ANG BUHAY…BUSOG NA BUSOG tayo sa pagmamalasakit sa atin.mga kababayan…Thank you Atty.Leni Robredo for being a good leader.”
Base sa official website ng Angat Buhay, ito ay isang “non-government organization that inspires hope and bayanihan by harnessing the energies of partners, volunteers, and supporters to empower Filipino communities, especially the marginalized.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.