Leni Robredo pinuri ang 'Katips': Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula Bandera

Leni Robredo pinuri ang ‘Katips’: Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula

Therese Arceo |August 09,2022
share this

Leni Robredo pinuri ang ‘Katips’: Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula

Therese Arceo - August 09, 2022 - 05:47 PM

Leni Robredo pinuri ang 'Katips': Mahalaga ang mensahe ng inyong pelikula
PERSONAL na pinuri ni dating bise presidente at chairperson ng Angat Buhay Foundation na si Atty. Leni Robredo ang pelikulang “Katips” maging ang lahat ng mga cast ng naturang pelikula.

Isang video na ibinahagi ng Philippine Stagers Foundation ang video ng dating bise presidente kung saan nanawagan ito sa madlang pipol na panoorin ang pelikula.

“OMG! Look: Nanawagan si citizen Atty. Leni Robredo sa lahat ng #katips na manood na sa sinehan. Wag kalimutan na magsama para mas maraming makaalam sa tunay na mensahe ng #katipsTheMovie,” saad sa caption ng naturang post.

Sa umpisa ng video ay binati ng Angat Buhay Foundation chairperson ang lahat ng taong bumubuo sa pelikula.

“Hello sa lahat ng bumubuo ng Katips. Congratulations sa inyo for this wonderful piece,” umpisa ni Robredo.

Aniya, mahalaga ang mga mensahe ng pelikula lalo na sa panahon kung saan binabago at inililihis ang kasaysayan.

“Mahalaga ang mensaheng dala ng inyong pelikula, lalo na sa panahong pilit na binabago at inililihis ang kasaysayan, at marami sa ating mga kababayan ang napapaniwala sa mga kasinungalingan,” pagpapatuloy ni Robredo.

Dagdag pa nito,”You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha! Maraming salamat sa inyong lahat!”

Labis naman ang tuwa ng award-winning writer and director at isa ring abogado na si Vince Tañada.

“Wow! Look: Atty. Leni Robredo on #KatipsTheMovie huwag ng papahuli pa! Nood na!” caption niya sa kanyang post.

Matatandaang nagwagi bilang Best Actor at Best Director si Atty. Vince sa pelikulang “Katips” sa nagdaang 70th FAMAS.

 

Related Chika:
Leni Robredo na-conscious kay Piolo, sey ng netizens: May pila po madam!

Rowena Guanzon nanood ng ‘Katips’, sold out ang tiket sa unang araw ng showing

Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending