Rowena Guanzon nanood ng ‘Katips’, sold out ang tiket sa unang araw ng showing
NAKIISA ang dating Comelec Commissioner at P3PWD Rep. Rowena Guanzon sa panonood ng musical movie na “Katips” na hango sa mga pangyayari noong Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya na manonood siya ng pelikula ng award winning writer and director na si Vince Tañada.
“KATIPS is sold out in SM Aura. With FAMAS awardee Direk Vince Tañada. #KatipsTheMovie,” saad ni Cong. Guanzon.
Dito rin ay ibinahagi niya na sold out na nga ang lahat ng tickets para sa pelikula sa isang mall sa Taguig.
KATIPS is sold out in SM Aura . With FAMAS awardee Direk Vince Tanada .#KatipsTheMovie pic.twitter.com/OeS4FN6ZGJ
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) August 3, 2022
“Hi! As of this writing, the 6:35PM showing for #KatipsTheMovie is already sold out. The 9:30PM screening is slowly running out of seats,” dagdag pa ni Cong Guanzon at may kalakip pa ngang resibo ang kanyang tweet.
Ibinahagi rin niya ang larawan na magkasama sila ni Direk Vince Tañada maging ang larawan ng isa sa mga cast ng pelikula na si Nicole Laurel Asencio.
Matatandaang bago pa man ang showing ng pelikula ay isa na si Guanzon sa mga personalidad na nagpakita ng suporta at nanghikayat sa madlang pipol na panoorin at tangkilikin ang “Katips”.
“Best movie in Singapore Cinema Festival . Panoorin nyo,” sey ni Guanzon kalakip ang poster ng musical movie.
Samantala, sa isang panayam naman ni Direk Vince sa kolumnistang si Crity Fermin ay inamin niyang hindi niya hinahangad na kumita ang kanyang pelikula at nais lamang niyang mapanood ito ng mga tao.
Anyway, marami naman ang aware na nagkaroon ng bardagulan noon si Cong. Guanzon at Darryl Yap na direktor ng “Maid in Malacañang”.
Ang “Maid in Malacañang” naman ay ang pelikulang tinatapatan ng “Katips” na parehas na hango mula sa mga naganap noong Martial Law.
Related Chika:
Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong
‘Bardagulan’ hirit ni Rowena Guanzon: Pinapasuweldo ko nang maayos ang mga kasambahay namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.