Leo Martinez may inamin tungkol kay Cherie Gil; 6 anak sa 3 babae

Leo Martinez may inamin tungkol kay Cherie Gil; 6 ang anak sa 3 babae

Ervin Santiago - July 23, 2024 - 10:32 AM

Leo Martinez may inamin tungkol kay Cherie Gil; 6 ang anak sa 3 babae

Leo Martinez, Boy Abunda, Cherie Gil at Gina Valenciano

MAKASALANAN na nga ako, ayoko nang dagdagan yung pagiging ipokrito pa!” Ang pagpapakatotoong pahayag ng veteran actor na si Leo Martinez.

Nabanggit ito ng 7th The EDDYS Icon awardee ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nang mapag-usapan ang mga anak niya sa tatlong babaeng kanyang minahal.

Sa guesting ni Leo sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” inamin niyang meron siyang anim na anak — dalawa sa unang nakarelasyon, isa mula sa yumaong aktres na si Cherie Gil, at tatlo sa current partner niyang si Gina Valenciano, kapatid ni Gary Valenciano.

Baka Bet Mo: Lolit kinabahan nang malaman ang dahilan ng pagpanaw ni Leo Dominguez

Sa maikling panahong pagsasama nina Leo at Cherie ay nabiyayaan sila ng isang anak, si Jeremiah David “Jay” Gil Eigenmann, na 37-anyos na ngayon at naka-base na sa Amerika. Nagwo-work si Jay doon bilang sound engineer.

Ayon sa veteran actor, nang magwakas ang love story nila ni Cherie, ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan  hanggang sa namatay ang aktres noong August 5, 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherie Gil Official Fan Page ❤ (@iloveyouforevermamacheech)


Pumanaw ang award-winning actress sa edad na 59 dahil sa endometrial cancer.

Sa isang bahagi ng panayam, natanong ni Tito Boy ang beteranong aktor kung naniniwala siyang malakas ang karisma at sex appeal ng mga komedyanteng tulad niya.

“Hindi ko alam. Hindi naman ako babae, e,” natawang biro ng aktor.

Sundot na tanong sa kanya kung attracted ba siya sa “strong women”, “Maybe,” tugon ni Leo.

Binanggit ng King of Talk ang name ng asawa niyang si Gina at dating partner na si Cherie bilang mga strong woman at tumango lamang nang ilang beses si Leo.

Baka Bet Mo: Dingdong gusto pang dagdagan ang 2 anak nila ni Marian: We want more!

“How was your relationship before our friend, Cherie, passed on?” tanong uli kay Leo.

“Before… ay, close na close kami. Even Cherie and Gina are close. Very. I’ll show you a picture na silang dalawa ang…” ang sey pa ni Leo sabay ipinakita sa LED screen ang litrato nina Cherie at Gina na magkayakap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Ang nasabi ring photo ang ipinost ng asawa ni Leo sa social media nang sumakabilang-buhay si Cherie.

Patuloy na pahayag ni Leo, “At saka yung mga anak ko, they grew up na magkakapatid sila.”

Super proud ang aktor sa pagkakaroon ng anim na anak sa tatlong babaeng kanyang nakarelasyon, “Kasi makasalanan na nga ako, ayoko nang dagdagan yung pagiging ipokrito pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin kung paano niya ire-rate ang sarili, sagot ni Leo, 9 siya bilang asawa at perfect 10 naman bilang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending