Dingdong super proud kay Ruru sa tagumpay ng ‘Black Rider’
NAGING emosyonal ang Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid sa selebrasyon ng ika-1 taong anibersaryo ng kanilang teleserye sa GMA 7 na “Black Rider.”
July, 2023 nang magsimula ang production ng award-winning GMA Prime action-drama series at umere ang pilot episide nito noong November 6, 2023.
Napakaraming pagsubok daw ang hinarap ng lahat ng cast members at ng buong production habang ginagawa nila ang serye, kabilang na ang paiba-ibang lagay ng panahon, problema sa schedule ng cast at ang ilang aksidente sa set.
Baka Bet Mo: Hirit ni Ruru: Lahat tayo pwedeng maging bayani tulad ni Black Rider!
Ngunit abot-langit ang pasasalamat ni Ruru dahil lahat ng challenges na kanilang naranasan ay napagtagumpay ng “Black Rider” na umani ng mga parangal ngayong taon, tulad ng 2024 New York Festivals bronze medal at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ruru ng ilang litrato na kuha mula sa pagsisimula ng taping ng kanilang programa hanggang sa mga eksenang mapapanood sa nalalapit nitong pagtatapos.
Aniya sa caption,”Isang taon na naman ang lumipas…
“Sadyang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang sinisimulan pa lang natin gawin ang programang ito. Tapos ngayon, ito na, ilang araw na lang ang natitira para gawin natin ang isa sa pinakaminahal nating proyekto.
Baka Bet Mo: Carla Abellana ibinuking ang tunay na ugali ni Ruru Madrid; bakit mas tumaas pa ang respeto sa mga action stars?
“Napakarami kong natutunan sa loob ng isang taon. Maraming bagong kaibigan at mga kasama na siyang nagbigay ng aral at inspirasyon sa akin para lalong pagbutihin ang aking ginagawa.
“Hindi man sa lahat ng pagkakataon, nakakasama at nakakausap ko kayo, pero sobra akong nagpapasalamat sa bawat isa na naging parte ng proyektong ito.
“Hindi man naging madali ang ating pinagdaanan sa loob ng isang taon, napakaraming pagsubok at problema ang ating hinarap, pero kinaya natin ito… dahil magkakasama tayong lahat at walang bumitaw.
“Kung bibigyan ako ng pagkakataon muli na pumili kung sino ang gusto kong makasama sa proyektong ito, kayo pa rin ang pipiliin ko. Kahit na mahirap ang ating lalakbayin, alam ko na kakayanin natin.
“Kaya muli, maraming salamat sa inyo sa pagmamahal, suporta, at talento na inyong ibinigay para dito sa Black Rider. Mahal ko kayo!
View this post on Instagram
“Salamat din po sa inyong lahat na manonood para sa pagsama sa aming byahe sa loob ng halos isang taon. Ang inyong suporta ang dahilan kung bakit po kami tumagal ng ganito,” ang kabuuang mensahe ni Ruru.
Pinusuan naman ng mga co-stars ng aktor ang kanyang madamdaming post kabilang na sina Rio Locsin, Matteo Guidicelli, Janus del Prado, Raymart Santiago, Pipay, Jayson Gainza at Jestoni Alarcon.
Pati ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay nag-post ng message para kay Ruru, “Congratulations, bro. We are all proud of you and your whole BR team.”
Samantala, nagbigay din ng mensahe si Ruru sa naganap na zoom mediacon para sa finale ng “Black Rider” last July 13, para sa lahat ng kanilang mga tagasuporta.
“I would say this is the longest serye na nagawa ko. Throughout the journey ng paggawa po namin ng Black Rider, napakarami pong lessons.
“Napakarami kong natutunan dito sa proyektong ito na alam kong dadalhin ko sa mga susunod pang proyekto na gagawin ko.
“My goal is to entertain people, but, at the same time, gusto ko lagi akong may naiiwang marka sa kanila at yun yung inspirasyon na nais kong ipamahagi sa kanila. Napakasarap po sa puso.
“Siguro I would say ngayon, dahil nga sa lahat ng mga natutunan ko dito, mas alam ko na kung ano pa yung mga susunod kong gagawin sa mga susunod ko pang proyekto,” sey pa ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.