Jennylyn, Xian super thankful sa ‘Love. Die. Repeat’

Jennylyn, Xian super thankful sa mga sumubaybay ng ‘Love. Die. Repeat’

Pauline del Rosario |March 29,2024
facebook
share this

Jennylyn, Xian super thankful sa mga sumubaybay ng ‘Love. Die. Repeat’

Pauline del Rosario - March 29, 2024 - 12:09 PM

Jennylyn, Xian super thankful sa mga sumubaybay ng ‘Love. Die. Repeat’

PHOTO: Instagram/@marcadojenny

ILANG araw matapos ang finale episode ng “Love. Die. Repeat,” ibinandera ng dalawang bida na sina Jennylyn Mercado at Xian Lim ang kanilang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng teleserye, pati na rin ang mga nanood.

“Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay gabi-gabi sa Love, Die, Repeat. Mula umpisa hanggang wakas ay sinamahan ninyo kami,” mensahe ni Jennylyn sa isang Instagram post.

Ani pa niya kalakip ang ilang pictures mula sa eksena ng television drama series, “Taos puso at paulit-ulit na pasasalamat sa inyo mga bessie! Hanggang sa muli.”

Baka Bet Mo: Jennylyn, Xian walang arte sa mga intimate scene sa ‘Love. Die. Repeat.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Ibinida naman ni Xian sa kanyang IG page ang ilang behind-the-scenes, pati na rin ang ilang bonding moments sa set kasama ang mga artista at crew.

“Mga kabaliwan on set from our first day up until the last [blushing emoji] It was a blast doing this project! [red heart emoji],” caption ng aktor sa post.

Ayon sa kanya, ito ang unang proyekto niya sa Kapuso network kaya naman super happy siya na naging matagumpay ang pagtatapos nito.

“I will truly and forever be grateful for the trust you have given me to play Bernard! This project took 3 years to make but I just want to say it was definitely worth it,” sambit niya.

Kasunod niyan ay pinasalamatan na niya ang love team partner na si Jennylyn na inilarawan niyang “cool” makatrabaho.

“Parang naglalaro lang tayo at puros tawanan sa set! ’til our next project po. See you [blushing emoji],” wika ni Xian sa aktres.

Ilan pa sa mga pinasalamatan niya ay ang co-stars na sina Valeen Montenegro, Ina Feleo, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Shyr Valdez, Mike Tan, at Victor Anastacio.

Sa bandang huli ng post, nag-thank you rin si Xian sa lahat ng mga sumubaybay sa teleserye.

“Maraming salamat mga Kapuso for tuning in sa kwento ni Bernard at Angela [red heart emoji] I love you all! To more characters that have moral lessons and make life more meaningful! [emojis],” ani niya sa viewers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Ang “Love. Die. Repeat” ay ang comeback project ni Jennylyn makalipas ang mahabang panahong pamamahinga sa paggawa ng teleserye mula noong isilang niya ang anak nila ni Dennis Trillo na si Dylan Jade.

Ang kwento ng serye ay umiikot sa buhay ni Angela (Jennylyn) na namatayan ng asawa –si Bernard (Xian) matapos maaksidente after celebrating their first wedding anniversary.

Matapos ang trahedya, makakaramdam si Angela ng deja vu hanggang sa malaman niyang naipit siya sa isang time loop kung kailan namatay ang kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending