Aktres na 'di magaling umarte, sakit sa ulo pa ng management?

Aktres na ‘di magaling umarte, sakit sa ulo pa ng management?

Reggee Bonoan - July 20, 2024 - 09:58 PM

Aktres na 'di magaling umarte, sakit sa ulo pa ng management?

BIDANG-BIDA ang aktres sa umpukan kapag may showbiz gatherings dahil maraming nakakapansing hindi pa rin siya marunong umarte kahit ilang beses nang binigyan ng proyekto, pelikula o serye.

Iisa raw ang acting nito na hindi rin naman malaman kung paano pumapasa sa mga direktor at producer.

Hirit namin na baka malakas sa producer at wala na lang magawa ang direktor na ang recent ay kilalang galit sa hindi marunong umarte.

“Puwede naman siyempre pag sinabi ng producer na isama, walang magagawa ang direktor kesa palitan siya, e, sa panahon ngayon, lahat kailangan ng trabaho. Kaya pikit mata mo na lang sigurong tatanggapin kahit hindi marunong umarte, e. Oo ka na lang nang oo, unless hindi mo kailangan ng trabaho,” paliwanag ng aming source.

Baka Bet Mo: Sikat na female star gigil much sa kilalang aktor na bobo pa ring umarte

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa pang nabanggit sa tsikahan ay, “at ang galing-galing niyang magtago ha, hanggang ngayon hindi pa nabubunyag na may anak siya. Imagine halos lahat na ng nasa showbiz lalo na ‘yung mga naka-work niya ay alam na may anak siya, pero hindi pa rin niya inaamin. Sabagay, parang wala na rin namang interesado kung aamin siya o hindi kasi nga alam na rin naman sa industriya pero walang naglalabas.”

Actually, nabanggit na ito sa amin noon pa ng kilalang may mataas na posisyon sa industriya pero hindi namin gaanong pinansin kasi hindi rin kami interesado sa kanya ha, ha, ha, but since sinulat namin siya ngayon, nakuha niya atensyon namin.

Dagdag pa ng kausap namin, “maraming drama ‘yan si (aktres) hindi ko nga alam paano nakakatagal ‘yung manager niya at handler na laging napapahiya sa mga may-ari ng brands na kinukuha siya as endorser dahil kapag may wala sa mood ay hindi niya sinisipot ang photo shoot.

Tanong namin sa aming kausap na ‘may kontrata yun, buti okay sa client?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang magawa, laging sinasabi masama pakiramdam,” sagot ng aming kausap.

Sabagay, hindi ka naman talaga mapipilit kung maysakit ka lalo na kung nag-picture na nasa hospital pa.

Sino ang aktres, naku bahala na ang mga Marites na netizens, magaling naman silang manghula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending