Kim napakaangas sa Batang Quiapo, pang-Hollywood

Kim napakaangas sa Batang Quiapo, pang-Hollywood ang awrahan

Reggee Bonoan - July 18, 2024 - 05:07 PM

Kim napakaangas sa Batang Quiapo, pang-Hollywood ang awrahan

NAPANOOD namin kagabi ang unang engkuwentro nina Coco Martin as Tanggol at Kim Domingo bilang si Madonna na tao pala ni Don Facundo played by Jaime Fabregas.

Masyadong payat si Kim sa screen kaya sana mag-gain siya ng konti para hindi awkward panoorin ang suntukan nina Tanggol hindi katulad ni Ivana Alawi noon na sakto ang galaw noong nagkipagbugbugan sila.

In fairness, pasabog agad ang maangas na karakter ni Kim dahil hinamon niya ng makapigil-hiningang bakbakan si Tanggol.

Hindi pa nga sure kung magiging magkakampi o magkaaway sina Tanggol at Madonna dahil nagkataon na ang pinatay ng una na si Pablo Caballero ay apo ni Don Facundo na magiging amo nito.

Baka Bet Mo: Ivana lalayasan ang Batang Quiapo, ayaw makasama si Kim Domingo?

Maliban na lang kung hindi magpapahalata si Coco/Tanggol na siya ang pumatay kay Elijah Canlas as Pablo at kakagatin niya ang alok na trabaho sa kanya kasama ang mga karakter sa grupo niyang sina Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Joey Marquez at Lorna Tolentino.

Ang biting eksenang ipinakita nitong Miyerkules ay pumunta sina Tanggol at grupo niya sa bahay ni Jaime/Don Facundo para ipakilala ni Nonie Buencamino/Marcelo Macaraig ay magkikita ang una at si David/McCoy de Leon.

Anyway, may mga pumuri kay Kim sa eksena nila ni Coco tulad ng TikTok user na si @meandMYMATCHA, “Parang pang Hollywood yung aura. plus yung acting skills niya kahit facial expressions pa lang dama mo na yung angas.”

Mula kay Cristina Chua, “Parang si Kim Domingo ay SI Angelina jolie sa dating at aksyunan.”

Kaya kaabang-abang mamayang gabi ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending