Vice napraning sa first kiss: Na-in love ako sa best friend ko!

Vice napraning sa first kiss: Na-in love ako sa best friend ko!

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 07:52 AM

Vice napraning sa first kiss: Na-in love ako sa best friend ko!

Vice Ganda at Ion Perez

RELATE na relate much ang TV host-comedian na si Vice Ganda nang mapag-usapan ang “first kiss” sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime.”

Napa-throwback si Vice sa kanyang unang halik nang mapagkuwentuhan sa  “EXpecially For You” nitong Miyerkules ang naging love story ng searchee at searcher na sina Lyka at Briane.

Baka Bet Mo: Kim pak na pak ang hugutan ng feelings: Sorry, may mahal na akong iba!

Kuwento ng ex-couple nag-start ang kanilang pag-iibigan sa isang matamis na halik nang una silang magkita sa isang party.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Dito na nga naichika ni Vice ang naranasan niyang first kiss mula sa kanyang best friend ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Naalala ko talaga ano ‘yun e, ano siya, ‘yun nga na-in love ako sa best friend ko dati, tapos ‘yung magkatabi kami, nag-outing kami, tapos iba (ang pakiramdam).

“Ang hirap sa pakiramdam, hindi mo alam kung ano ‘yung magiging reaksiyon para kang may inaabangan?” pagbabahagi ni Vice.

Rebelasyon ng komedyante, hindi raw nila alam ng kanyang BFF best friend na lalaki may feelings na pala sila para sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: EXpecially For You searcher dinedma red flags ng dyowa: Iniiyak ko lang!

“Nag-usap kami noong matanda na kami. At that point hindi niya rin maintinidhan kung ano ang nararamdaman niya sa akin, parang sobra niya akong naa-appreciate.

“Swak na swak kami, pero lagi nga ang tanong niya lagi, parang ‘paano iyon, e hindi naman ako bakla?’

“Kasi nga ‘di ba, ganu’n noong hindi pa tayo masyadong nakakaunawa ng kapag pumatol sa bakla, bakla (na). Hindi pa natin alam ang pagkakaiba-iba ng gender identity,” pagbabahagi pa ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Pag-amin pa ng TV host, medyo nagulo ang isip niya nang ma-experience ang kanyang unang halik.

“So noong mga panahon na sobra akong nag-iisip at nag-aabang sa mga nangyayari, ganu’n rin pala siya, inaabangan niya kung ano ang gagawin ko,” ani Vice.

“Nakakapraning siya. It made you overthink after, isip ka nang isip kung ano ang ibig sabihin nu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pagkatapos ba nu’n ano ang iaarte niyo kapag nagkita kayo ulit. Pag-uusapan niyo ba ‘yung halik na ‘yun kung ano ang nangyari sa inyo noong gabi na ‘yun, pag-uusapan ba?” pagbabalik-tanaw pa ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending