Vice Ganda binawi ang sorry sa 'EXpecially For You' guest

Vice Ganda binawi ang sorry sa ‘EXpecially For You’ guest

Therese Arceo - June 04, 2024 - 09:53 PM

BINAWI ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang apology sa lalaking naging bisita nila sa “Expecially For You” segment na si Axel.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring pag-call out niya sa binata nang subukan nitong magnakaw ng halik sa dati niyang karelasyon na si Christine.

Hindi ito pinalagpas ni Vice at agad na sinuway si Axel at sinabihan hindi maganda ang ginawa nito at kinakailangang humingi ng consent sa dating karelasyon bago ito halikan.

Agad na umagaw ng atensyon sa social media ang naturang video mula sa May 31 episode ng programa at tinawag ang pansin ng komedyante dahil marami na ang bumabatikos kay Axel dahil sa nangyari.

Baka Bet Mo: Vice magso-sorry sa searchee na na-bash dahil sa ‘nakaw na halik’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At naglabas rin ng pahayag sa TikTok si Christine at sinabing hindi naman daw siya na-offend sa ginawa ng ex dyowa.

Nag-sorry si Vice sa kanyang X (dating Twitter) account matapos malaman ang nangyari.

“Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy,” sey ni Vice.

Ngunit ngayong araw, June 4, binawi ng komedyante ang inilabas na public apology kay Axel.

“Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did,” ani Vice Ganda.

Pagpapatuloy niya, “Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right.”

Bago magsalita si Vice ay nag-usap usap raw muna sila ng kanyang co-hosts, mga staff at pati na rin ng kinuha nilang psychologist patungkol sa nangyari.

Maging sina Christine at Axel ay ni-reach out rin nila para maayos ang isyu.

Matapos nga ang kanilang pag-uusap ay na-realize niyang hindi niya dapat ipag-sorry ang nangyari.

Inamin rin daw ni Christine na na-off siya sa nangyari at may dahilan siya bakit niya nasabi kung anuman ang sinabi niya sa TikTok.

“Talagang na-off siya at may naramdaman siyang hindi siya kumportable sa ginawa nung searchee,” sabi ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Nirerespeto namin ang dahilan ni Christine kung bakit sinabi niya yon, na hindi siya na-off when, in reality, na-off talaga siya. At since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi mali na kinolout namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma kung para sa kanya, sa pakiwari niya ay hindi siya kumportable sa ikikilos ng sinuman sa harapan niya.

“Kung hahawakan man siya, hahalikan man siya, aakbayan man siya, tatapikin man siya, karapatan po ng babae na tumanggi at umalma.
“At yun po ang nakita namin noon araw na iyon—may pag-alma si Christine kaya kinolout namin. Dahil obligasyon po rin namin, dahil imagine kung may ganung pangyayari na merong boundary na natapakan pero wala kaming ginawa, iko-call out din po kami.”

At bilang host ay responsibilidad nila ang i-call out si Axel dahil kung hindi nila ito gagawin ay paniguradong mapagsasabihan rin sila ng mga manonood.

“Ginawa po namin yun para protektahan ang aming guest din, na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae nung puntong yon,” sabi pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli ay nakiusap rin siyang huwag nang i-bash si Axel.

Lahad ni Vice, “Nauunawaan niya po yung nangyari. Kinapupulutan niya ng aral. Yun ang maganda po kay Axel.

“Si Christine din naman po, nauunawaan namin at, again, may dahilan siya kung bakit nasabi niya yon sa TikTok na okay siya. At ibibigay namin siya. Pero ginagawa lang din namin ito kasi karapatan din naman namin ito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending